CHAPTER 18

54 3 0
                                        

~TALK~

TIANA's POV

Kumatok ako sa pinto ng headmaster office. Well, gaya ng ibang rooms dito sa academy, malaki rin ito and mas malaki pa. Kulay silver yung pinto at double door sya.

Maya maya pa ay biglang ilaw na nag scan sakin kaya naman napalayo ako bigla. Wow, ang dami namang alam ng headmaster. May pa scan scan pang nalalaman.

"Who is it?" Biglang nagsalita yung pinto. Wow, ano to beauty and the beast? Pero wala naman syang bibig or mata. Nagsalita lang. Tinignan ko yung pinto at may nakita ko sa tabi nun ng pa squre na box. Baka dun nanggaling yung sound. Speaker ata yun e.

"Tiana."

Bigla namang bumukas ang pinto at pinigilan ko nalang yung sarili kong mag mukhang ewan sa kaka nganga. Ang ganda kasi eh. Ang lawak pa. Lahat kasi ng gilid ay merong shelves na punong puno ng libro. Wow, ini expect ko panamang high tech sya or what pero sa gitna ng room ay may malaking lamesa at merong nakatalikod na tao dun sa upuan ng lamesa. Yung lamesa nya ay punong puno ng libro, papeles mga ganun.

"Welcome to the headmaster's office tiana." Sabi nung speaker bago sumarado yung pinto. Napa lingon naman ako sa may pinto bago timingin sa likod ng headmaster.

"Ahm, good afternoon po." Sabi ko ng medyo kinakabahan. Di ko kasi alam kung tungkol saan yung pag uusapan namin or kung ano yung punishment ko. Sana madali lang, siguro pede ng maglinis ng cr, palitan yung janitor basta mga ganun, yung madadali lang.

Bigla namang pinaikot ng headmaster yung upuan nya so mag kaharap na kami.
Ngayong medyo malapit na ako sa kanya, parang nasa mga 40's na sya mga ganun at tska color sky blue yung mata nya at gray na yung buhok nya. Bigla naman syang ngumiti sakin.

"Glad you come, tiana." Sabi nya. May choice pa ba ko? Baka patalsikin kasi ako dito eh, mabuti ng masunurin.

"Ano pong pag uusapan natin?" Tanong ko. Ayaw kong nag papaligoy ligoy pa. Dapat straight to the point. Aish.

"Impatient? Huh?, well I want to know what kind of power or ability that you have." Sabi nya. Tapos biglang Sumeryoso yung mukha nya. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. Pano ko sasabihin? Eh mismong ako di ko alam. Di ko pa alam kung ano yung mga kaya kong gawin at mga kahinaan or strength ko. Di ko nga alam kung immortal rin magulang ko kaya ko to nagagawa eh. Wala pa kong alam tungkol sa sarili ko.

"To be honest, I really don't know." Sabi ko kay headmaster kaya naman parang naguluhan sya dun.

"How come? Pano mo nalaman tong academy na to? Who told you? Pano ka nakapasok dito?" He asked me, looking straight in my eyes.

What? Nagayon na ba yung araw na mapapa talsik ako dito sa academy na to? No. Hindi pede, kahit nag da doubt ako kay headmaster, i.can't. Bawal, ito yung gusto ni tita at nila mama, ayaw kong ma disappoint sila sakin. Gusto kong tuparin yung gusto nila since ayun lang naman yung magagawa ko. Patay na sila eh. Di ko nga alam kung anong dahilan ng pag kamatay nila eh. And i wanted to know it. I want to know who killed them, I will avenge them. No matter what.

"My parents told me. At si misa ana yung nag papasok sakin dito." Sabi ko kay headmaster. Bigla naman tumingin sakin mula ulo hanggang paa. Huh?

Para namang nagulat sya pagkatapos nun. What? Wala akong maintindihan dito.

Bigla naman syang tumawa kaya naman tinignan ko sya ng naguguluhan.

"What a Shame, ngayon ko lang na realize na anak ka pala nila thea at Jacob. Tiana Asis." Sabi nya kaya naman nagulat ako. w-wait pano nya nalaman? Pano nya nalaman yung pangalan ni mama at papa??

"P-paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya. Wala naman akong natatandaang minetion sakin nila mama at papa na headmaster sa academy at di ko naman sya nakita sa libing nilang dalawa pati si tita.

"Oh, so hindi pala ako kini kwento ng nanay at tatay mo?" Sabi nya ng nakangiti sakin. Bat naman sya iki kwento?

"Ahm no, wala silang mi ne mention saking headmaster sa academy." Sabi ko kaya naman tumungo tungo sya.

"I see, so back to the topic, I want to know your power and ability, pero di ko yun malalaman kasi di mo sasabihin so I need you to cooperate with the experimentalist, because they sure have a thing that will discover it." Sabi sabay ngiti. Wait. Di nya pa sinasabi kung bakit nya kilala yung parents ko.

"Bakit mo kilala yung parents ko." I asked him. Bigla namang lumawak yung ngiti nya dahil dun.

"Hahaha, your so brave like your mother. But today is not the time dear." He said smiling. I hate him.

"Then when?" I asked.

"You'll see." Sabi nya habang naka ngiti. Argh! Nakaka diri yung ngiti nya. Ang sarap tanggalin.

"Di ako papayag na experimentuhan, as long as di mo sinasabi sakin kung paano at bakit mo kilala yung parents ko." Sabi ko sakanya ng mahina pero madiin at may galit.

"Wow, wow, are you threatening me?? Hahaha, how smart of you." Sabi nya na parang nagugustuhan nya pa yung nangyayari ngayon. Well ako hindi.

"Tell.me.right.now." I said firmly. Bigla naman syang tumawa. God! Nakaka asar yung mga tawa nya!

"Bad move dear, really bad." Sabi nya habang naka smirk.
Lalapit sana ako sakanya para sapakin sya pero biglang may pumigil saking dalawang guard nya. Pilit kong kumakawala sa hawak nila pero masyado silang malakas.

"Get off me!!" I keep screaming but hindi pa rin sila kumakawala.

"You won't get away with this." Sabi ko kay headmaster kaya naman tumawa sya.

"Hahaha, too late dear." Sabi nya habang naka smirk.

Bigla akong nakaramdam ng turok sa leeg ko kaya naman nagulat ako at nagpumilit na kumawala. It happen so fast.

"Too late." Sabi ni headmaster and then everything went black.

========================

VOTES AND COMMENTSS :)
Tnx sa lahat ng sumu support sa story ko by voting hehehe :) thanks po talaga dun sa mga nag vo vote hehehe.
And comment na rin po para malaman ko kung nagustuhan nyo ba yung mga UD ko or what. Hehe. Ghe babosh! Keep supporting powz ;)

~Swift



Light Shadow AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon