CHAPTER 23

50 1 0
                                    

~COLD TREATMENT~

TIANA's POV

After ng usapan namin ni zachary ay di na nya ako pinapansin at di na rin sya nag paparamdam. Siguro nagalit sya dahil di ako naniwala sa kanya? Pero masisisi nya ba ko? Nasabi ko lang naman yun para na rin sa ikaka buti ko. At sa tingin ko mas mabuti ng hindi na kami magpansinan. Naglalakad na ako papunta sa first class ko and as usual ganun parin yung mga reaksyon ng mga students ng makita nila ako. Takot, galit, inggit at iba pang negative. Pero di ko nalang sila pinansin at diretso lang akonh naglakad na naka taas ang noo at walang ekspresyon ang mukha. Ganyan naman palagi ginagawa ko eh, at ganyan na rin yung pakikitungo nila sakin ever since sa nangyari sa bintana at dun kay alex... Pero nasasanay na rin naman din ako..

Tahimik lang sila at walang nag tangkang magsalita habang nag lalakad ako, at lahat sila ay napapa layo sakin at binibigyan ako ng way. Aish.. Habang nag lalakad ako ay nararamdaman ko ang pag daloy ng mga dugo nila sa kanilang katawan, naririndi na rin yung tenga ko sa ingay ng pag tibok ng puso nila...
(A/N: yung mga elementalist, witches etc. Basta walang halong vampire lang po yung mga may dugo sa katawan kase the rest vampire na pero di ganun ka pure yung blood nila kesa sa mga humans, so may difference..(imbeto ko lang po to XD))
pinipilit ko ang sarili kong ituon sa iba ang atensyon ko dahil sa baka kung ano pa ang magawa ko sakanila. At kung ano pa ang mangyari sakin... sana masanay na ako..
Kailangan kong panatiliin ang control ko kahit ano ang mangyari... Kasi di lang ako ang manganganib kundi pati sila..

Lumipas ang ilang segundo ay mas lalong dumagDag ang tensyon dito sa hell way... At this time di na galing sakin kundi galing kela zachary... papunta sila dito sa direksyon ko pero nanatili lang ako dun at tinignan sila ng walang emosyon..

Mas lalong tumahimik ang paligid kaya naman mas lalong naririndi ung tenga ko sa tunog ng pulso nila dhil kinakabahan sila. Pumikit ako ng maiigi bago dumilat muli....

Pag dilat ko ay nasa harapan ko na sila.. Kumpleto sila. Nandyan si Cera, Jenny, Tom at Malkolm pati si zachary...

"Hi tiana." Naka ngiting bati ni jenny kaya tinunguan ko lang sya..

"Tiana." Sabi ni tom sabay tungo kaya tinunguan ko rin sya... nginitian lang ako ni Cera at tinignan lang naman ako ni Malkolm. Tinunguan ko lang sya sabay tingin uli kay zachary with his messy red hair and cold silver eyes.. His soft silver eyes become cold.. Tiningnan nya lang ako ng ilang segundo bago ako nilampasan.. Naka tayo lang ako dun habang sila ay nagpatuloy na sa pag lalakad..
What's wrong with him? Bakit ganun nalang yung effect sakin ng pagiging cold nya? Pero agad naman akong umiling bago mag patuloy mag lakad papunta sa unang klase ko.

Ng pumunta na ako sa room na yun ay napatigil silang lahat sa ginagawa nilang ingay at tumingin sakin pero agad naman silang bumawi ng tingin ng tinignan ko sila ng masama.. Nanatili ang katahimikan na hindi nakaka tulong sa kondisyon ko kaya naman agad na akong nag lakad papunta sa bandang likod kung saan ay may naka upong dalawang babae pero ng makita nila ako ay nag madali silang umalis dun at lumipat ng upuan ng malayo sakin. Tsk.

Nanatili silang tahimik habang umiiwas sa mga tingin ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na yung teacher sa klaseng to kaya narinig ko silang napa sigh. Tsk..

Habang nag di discuss yung teacher ay hindi mawala sa isip ko si zachary.. Galit ba sya? Pero bakit naman? Aish! bakit nya ko-- aish! Ewan!! Bala na! Kailangan kong mag focus sa plano ko.. Kailangan kong mag ingat..

Natapos na ang una at pangalawa kong klase ng lutang ako dahil kakaisip sa plano ko... recess na.. at kagaya kanina napatingin at napa tigil rin ang mga students ng makita nila akong pumasok sa cafeteria.. Pero di ko nalang sila pinansin at dumiretso sa counter para bumili ng pag kain. Umorder lang ako ng hawaiian na pizza at coke.. Pag katapos kong umorder ay naghanap na ako ng upuan sa may dulo... Malayo sa mga students..
Kahit vampire ako ay meron parin naman akong panglasa sa pag kain kasi sabi nila ganun naman talaga yun pero di naman nakaka tulong yung human foods para mabawasan ang pag ka crave sa blood...

Light Shadow AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon