~VISION~
THIRD PERSONS POV
Habang nakaupo si tiana ay mag oobserba naman sa labas ang mga experimentalist, ang tawag sa mga nag oobserba sa kanila o nag e experimento sakanila. Lahat ng istudyante sa academy ay kailangan experimentuhan upang malaman ng mga head ng academy kung sino ang nawawalang vampire princess at ang charm princess.
Ng maka punta na si tiana sa mapayapang bahagi ng kanyang utak ay hindi nya namamalayang gumagalay na ang kanyang kamay na parang may sariling buhay at nagsisimulang gumuhit sa papel na nasa arm chair.
Mukha namang nagulat ang babae sa nasaksihan nya. Ng tignan niya ang isang hologram na kung saan ay malalaman at makikita nila ang mga imahe ng pinag iisip ng isang bahagi ni tiana na nag ko control sa kamay nya ngayon. Nakikita niya ito sa hologram sa tulong ng experimental helmet na isinuot ng babae kay tiana. Meroong kakaibang kapangyarihang taglay ang helmet na ito.
Nasa labas siya ng kwarto kung saan naka upo si tiana, glass at transparent ang pinto nito kaya kitang kita nya ang pangyayari sa loob. Sya nga ang tanging nasa isip ng babae na nagngangalang Diana.
Sa isip naman ni tiana ay nasa isang paraiso sya katulad ng madalas nyang isipin at pinupuntahan kapag sya'y nangungulila sa pag kawalakanyang ng kanyang mga magulang at pag nag do drawing sya ng mga mangyayari sa hinaharap. Yun ang isa sa pinaka malaking sekreto ng pamilya nila. Nalaman nila ito ng mga pitong taong gulang palang sya.
FLASHBACK
Naglalakad si tiana papunta sa bahay nila dahil tapos na ang klase nila. Napahinto sya ng meron syang makitang poster sa pader na may nakalagay na missing.
'May bagong nawawalang bata uli.' Sa isipan nya. Hindi na ito kakaiba sakanila dahil halos araw araw ay may mga batang nawawala sa lugar nila. At halos lahat ng kinukuha nila ay mga bata. Kaya naman ay nagmadali na syang maglakad papunta sa bahay nila. Halos lahat ng pinto sa bawat bahay ay naka sarado at wala syang mga batang makita sa labas.
Ng marating na nya ang bahay nila ay inilabas nya ang susi nya at pumasok ng bahay.
Pag pasok ng bahay ay nadatnan nya ang kanyang ina sa sala na nanonood ng balita.
"Hi, mama" sabi ni tiana sabay yakap sa kanyang ina. Napangiti naman ang kanyang ina at niyakap din sya.
"Kamusta yung school?" Tanong ng nanay nya na nag ngangalang Thea. Sa oras na ito ay wala pa ang kanyang ama dahil nasa trabaho pa lamang sya.
"Ok lang po." Sabi ni tiana sabay kuha sa bag nya ang art materials nya. Yun ang pinaka Hilig na gawain ni tiana simula bata pa lamang sya.
Habang nag do drawing ay biglang napasok sa isip nya ang batang nawawala.
"Ahm, mama may bago na naman pong mawawalang bata." Malungkot na sabi ni tiana sa kanyang ina.
Hindi na nagulat si thea sa narinig dahil halos araw araw naman ay merong batang nawawala sa lugar nila. Nag pa plano na nga silang mag asawa na maglipat sa ibang lugar dahil natatakot sila para kay tiana.
"Okay lang yun anak, mahahanap din sya kasama ang ibang batang nawala." Sabi ng nanay nya at pinatay ang tv at kumuha ng libro at nag simulang mag basa.
Yun ang isa sa pinaka iniiwasang topic ng kanyang ina at di nya alam kung bakit. Kaya naman ay nag drawing nalang sya.
Habang nag do drawing ay hindi maalis sa isip nya ang pangyayari sa lugar nila. Kaya sa sobrang lutang ng utak nya ay hindi nya namalayang gumagalaw ang mga kamay nya ng mag isa at gumuguhit. Nakatulala lamang sya habang nag iisip at hindi alam yung pinag do drawing nya.
Napansin naman ito ng nanay nya at nakaramdam sya ng takot at kaba. Nilapitan nya ang pwesto ni tiana at tinignan ang ginuguhit ng mga kamay nya.
Sa nakikita nya ay merong isang abandonadong lugar at meron ditong mga bata na naka takip ang mata ng panyo at nakatali ang kamay. Ng mapansin nyang hindi pa titigil si tiana ay hinawakan nya ito sa kamay.
Bigla namang Napatingin si tiana sa kamay na humawak sa kanya na gulat na gulat. Napatingin sya sa nanay nya at nakitang nag aalala ito kaya naman ay tinignan nya ang kanyang na drawing.
Isang abandonadong lugar kung saan ay merong mga batang umiiyak habang naka nakati ang kamay at paa at nakatakip ang mata. Gulat na gulat sya sa natuklasan.
KINABUKASAN
Habang nanonood ng balita sila tiana kasama ang kanyang ama at ina ay binalita na natagpuan na ang nga batang nawawala sa isang abandonadong lugar kung saan ay naka tali ang nga paa at kamay nila.
Nagulat silang lahat sa natuklasan at napag disyunan na wag itong ipag sabi sa iba.END OF FLASHBACK
Ng matapos na si tiana sa pag do drawing ay napamulat ang mga mata nya.
Agad agad nyang tinignan ang kanyang na drawing at nakita ang isang labanan ng vampires, wolves, witches at iba pa. Madami ring mga patay na naka latay.
Gulat na gulat at takot na takot si tiana sa nakita nyang larawan.
Bigla namang pumasok yung babaeng experimentalist sa loob ng pinag uupuan ni tiana.
Agad namang inayos ni tiana ang mukha nya at nag pakita ng walang ekspresyon.
Tinignan naman ng babae ang ginuhit ni tiana, at pati sya ay mukhang gulat na gulat ngunit agad ring nawala ang ekspresyon sa mukha nya.Tinulungan nya si tiana sa pag alis ng experimental helmet sa ulo ni tiana.
Agad namang nakaramdam ng pagod at antok si tiana ng matanggal ito. Muntik na syang matumba ngunit naalalayan sya ng babae.
"Are you all right?" Tanong ng babae habang inalalayan si tiana na makatayo. Gusto sanang sabihin ni tiana na 'halata naman diba?' Ngunit wala na syang enerhiya para makipag ayaw. Kaya naman ay tumungo nalang sya.
Nag lakad sila paalis ng pinasukan nilang pinto at oag labas nila ay mukhang nag tataka ang mga experimentalist habang naka tingin sakanya at halos lahat ng ginagawa nila ay nahinto. kaya naman ay tumungo nalang si tiana at naglakad ng tahimik paalis ng kwartong iyon.
Ng papalabas na sya ay biglang hinawakan ng babaeng experimentalist ang braso nya at sinabing.
"Be careful."
=================
Grabee! Dapat kahapon ko pa to ma papublish pero nung tinignan ko ay putol!! Mga saturday ko pa nga to nagawa pero inulit ko lang kasi na delete. Nasaan ang hustisya?!
Btw hope you enjoy my UD :)) and pls. Support po yung story na to hehehe, kahit one vote Lang masaya na ko and samahan nya naman ng comment para may thrill at maganahang mag UD xD hehehe, and para rin malaman ko kung nagustuhan nyo ba yung UD or not.
VOTES AND COMMENTSS!! :)
~Swift

BINABASA MO ANG
Light Shadow Academy
FantasyLIGHT SHADOW ACADEMY~~ When Tiana's parents died because of a unpredictable accident, she was forced to transfer to a unfamiliar school, named light shadow academy. At first she thought that it was a ordinary school with ordinary people, but she's...