CHAPTER 3

219 13 4
                                    

~THE LETTER~

Tiana's POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. B-bampira s-sya??
Pero pano yun eh alam ko wala naman ganun. Sa pag kaka alam ko walang bampira at di totoo ang vampira, pero ano tong nakikita ko???? Naguguluhan na tlga ako.

Nakatingin lang ako sa kanya na parang baliw. Sobrang gulat talaga ako sa nakikita ko ngayon. Ang totoo?? Anong susunod na mangyayari?? Pagkatapos mamatay ni Tita ngayon nakapunta ako dito sa magandang academy na toh at real talk bakit may may bampirang istudyante dito?????

Bigla siyang napa atras at tumingin sakin na parang naguguluhan??

"Bakit ang putla ng mukha mo??"
Tanong nya na may mukhang inosente pa yan ahh, aba matinde walang alam ba to??
Natural Sinong abnormal na tao ang di magugulat at mamumutla pag nakakita ng bampira??

"B-bakit?? a-anong??? P-pa-paano???" Nauutal ko pang sabi ng makakuha ako ng lakas mag salita. Mukha naman syang nagulat at bigla syang nag isip.

"So, I guess wala kang alam sa pinasukan mo??" Tanong nya habang nag lalakad papunta sa kama nya at umupo.
Nang maramdaman nyang di ako sasagot ay tinuloy na nya ang sasabihin nya.

"Di mo ba alam na delikado ang pinasukan mo?? At paano ka pala naka pasok dito?? Sa pag kaka alam ko ay bawal ang mga tao dito." Sabi nya. Teka naguguluhan ako. Bawal ang tao dito?? Ibig sabihin hindi sya tao?? So bampira talaga sya di ako namamalik mata lang at ang mas matindi lahat ng tao I mean students dito ay hindi tao??

"W-what hindi kayo tao???" I ask.
Tumingin naman sya sakin at ngumiti. Bago umiling.

"We're not humans." Sabi nya.

"Pero pano ka pala nakapunta dito at pano ka naka pasok kung tao ka nga??" Tanong nya.

"Pinapasok ako dito ni Mam Ana at naligaw ako dito." I lied, pero totoo yung pinapasok ako ni Mam Anna baka di kasi sya makakapag tiwalaan eh para mas sure. Tumingin sya sakin na parang binabasa yung utak ko.
Tapos tumingin sya sakin na parang naguguluhan.

"So, pumunta ka dito sa school na to para sa taong di ko alam di kita masyadong mabasa." Sabi nya.

"Kung tao ka nga dapat wag kang dumikit sa mga ibang istudyante dito wag mo rin silang sagutin, baka kung ano pang mangyari sayo. And I think di mo pa alam kung ano ka talaga at kung anong powers mo so better na mag panggap kang di ka nag e-exist at wag mo nalang pansin kung may papansin man sayo." Sabi nya at humiga sa kama nya. Tumingin sya sakin at ngumiti nalang. Hmmm mukha naman s'yang mabait eh pero di muna ako dapat mag tiwala sa mga kagaya nya.

"Oo nga pala mag kaparehas lang tayo ng schedule kaya tumabi ka nalang sakin palagi, and btw bampira nga pala ako at kaya kong marinig ang lahat ng tunog hanggang 2 kilometers." Sabi nya na parang wala lang. Teka kaya nyang makarinig ng kanong kalayo?? Ang astig naman nun.

"Wow eh ang galing mo pala eh." Sabi ko sakanya habang naka ngiti. Tumingin sya sakin.

"Wag mo kong masyadong pinupuri madami pang mas magaling sakin at di ako ganun kalakas at kagaling." Sabi nya at pumikit kaya naman inayos ko nalang ang gamit ko. Nami miss ko na si tita at nami miss ko narin yung bahay namin. Habang inaayos yung gamit ko eh may nakita akong isang papel. Kinuha ko ito at tinignan.

To: tiana

Kilalang kilala ko kung Sinong nagsulat nito at kung kanino galing ang sulat na to. Tinignan ko ito ng maigi at binuksan.
Pag bukas ko ay walang letter o kung ano man ang nakasulat.
Tumingin ako sa sulat ng maigi at tinignan bawat sulok baka nay mahanap kahit isa man lang na letter.
Hanggang sa nagsawa na ko at itinago ko nalang iyon sa damitan ko. Pumunta ako sa banyo at nag linis ng katawan.

Pag tapos kong malinis ng katawan ay umupo ako sa study table ko at kinuha yung art materials ko at nagsimulang mag drawing. Btw mahilig nga pala akong mag drawing at magaling rin naman ako.

Gumagalaw lang yung kamay ko na parang may sariling utak. hanggang sa nakita ko ang parang symbol na flower na kulay red na may pagka violet di ko ma identify kung anong kulay ba yun at kung anong flower yun pero mukhang nakita ko na yun at nakalimutan ko lang kung saan at kung kanino ko nakita.
Tinitignan ko yun ng maigi hanggang sa napagod na yung mata ko at wala parin akong maisip kung saan ko yun nakita.

Nang wala paring nagyayari ay nilagay ko nalang sa drawer ko yung drawing at niligpit yung art materials ko at humiga.

Sighhh ano ba tong napasukan ko??? Ano bang nangyayari sakin at anong meron sakin para mangyari to??? Una namatay si tita sa di ko malaman na dahilan basta naalala ko lang na kailangan kong pumasok sa school na to. Na mga immortal pala ang nag aaral. Ano kaya ang gusto ni tita mangyari at pinapasok nya ko dito?? Ano nalang ang mangyayari sakin dito bukas??? Pano kung mamaya eh maubos yung dugo ko dahil sa mga bampira dito???
Pano kung wala akong powers at malaman nila na tao lang talaga ko??

Natigilan ako sa pag iisip ng biglang humingin ng malakas kaya napatingin ako sa bintana.
Parang may kulay red na mga matang sumisilip sakin mula sa labas kaya agad ko itong tinitigan hanggang sa maramdaman kong ngumiti ang kung ano o sino ang may ari ng mata na yun bago mawala.

Weird

333333333333333

VOTES AND COMMENTS GUYS!!! Please.....



~SWIFT












Light Shadow AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon