CHAPTER 8

167 10 1
                                    

EXAMINATION CLASS (part 2)

TIANA's POV

Hindi ko talaga maintindihan lahat ng nangyayari. Ano nga ba kasi yung ginawa nila dun sa babae? Bat sya nag kaganun? At bakit halos lahat sila ay pinipilit na itago ang takot nila?? Aishhh, nakaka asar! Lahat nalang ng tanong ko hindi ko masagot! Kailan ko kaya makukuha yung sagot sa mga katanungan ko?? Nakita ko namang sinundan ng lalaking yun yung babae. Napatingin naman ako kay trisha, mukhang kinakabahan din sya. Bigla namang napako yung tingin ko sa lalaking, pamilyar. Mukhang napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya naman tumingin sya sakin at biglang ngumiti.
Nag aalinlangan ako bago ngumiti. Tss, mukha syang masungit na mabait. Ano kayang pangalan nya??

"I'm Malkolm Zues pala." Bigla nyang sabi sakin, btw katabi ko pala sya, sa right side ko si trisha sya naman sa left. Nagulat naman ako sa biglang pagpapakilala nya. Seriously? Ilang mind reader ang nakatira sa academing ito.

"Hindi ako mind reader, halata lang sa expression mo." Bigla nyang sabi. Ano ba yan! Nabasa na naman nya yung nasa isip ko...

"A-ahm, tiana, pala." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakanya. Kinuha naman nya yun, at parang naging confuse yung mukha nya.

"Ahm bakit?" Bigla kong tanong. Kasi naman ang tagal nyang bitawan yung kamay ko. Nakaka ilang lang. Mukha naman syang nagulat dun, kaya bumalik na sa dati yung mukha nya.

"Wala." Sabi nya sabay iwas ng tingin sakin. Okay? Seriously ilang beses ba ako makaka meet ng taong weird?? Bigla ko namang tinignan na pinto kung saan pumasok yung lalaki, medyo malapit na rin kami, mga pang 5 ako na. Ano ba yan, kinakabatutan ako, tss kaasar! Bat pa kasi ako nag transfer dito? Malas ko.
Bigla namang bumukas yung pinto tas lumabas yung lalaki kanina, at mukha naman syang inaantok pero nakakalakad pa naman sya.
Ang weird talaga! Kaaasarrr!!
So ayun na nga pumasok na yung isang students dun, kaya naman mas lalo na kong malalapit sa hell. So ayun na nga yung mga nangyari hanggang sa si trisha na yung next. Bago sya pumasok ay tumingin muna sya sakin at ngumiti. Ngumiti naman din ako sakanya. Sana di manyari sakanya yung katulad sa nangyari sa babae. Nakatulala lang ako, hanggang sa biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si trisha na mukhang inaantok din buti nalang nakakaya nya pang maglakad.. ng sinabi ng babae na next ay agad akong tumayo at sinalubong si trisha at hinawakan yung kamay nya. Ng mahawakan ko yung kamay nya ay may mga images na pumasok sa isip ko.

Nakita ko yung mga larawan ng mga weird machines at yung isang babae, na sa tingin ko ay yung babae na nag sasabi ng next, pero di ako sure kasi medyo blurred eh. Pero nakita ko kung paano nya tinanggal yung mask nya at lagyan si trisha ng isang weird na machine na parang katulad lang sa pinoy henyo pero iba to eh, mas malaki sya tapos may cristal sa gitna. Pag katapos nya yun ikabit kay trisha ay tinurukan nya si trisha ng hindi ko alam. Sa harap naman ni trisha ay merong mga gamit, katulad ng table, chair ganun pero ang mas nakakagulat ay kung paano nya yun palutangin using her eyes. Bigla namang nag usap usap yung mga tao dun sa loob na naka lab gown. Di ko ma clear yung mga words na binitawan nila pero ang mas lalong tumatak sa isip ko ay ang salitang sinabi ng babaeng naka mask. Then we'll ki-

Napa gasp ako ng biglang ihiwalay ng babaeng nag sasabi ng next yung kamay ko sa kamay ni trisha. Tinignan ko sya ng gulat at napatingin ako sa paligid ko.

"I said your next." Sabi ng babae. Bigla naman akong tumungo at sumunod sa kanya, pero bago ang lahat ay biglang napako yung paningin ko kay malkolm. Nakatingin sya sakin ng seryoso.

"Your tatiana right?" Bigla nyang tanong, tumungo naman ako sa kanya. Pag pasok namin ay una kong nakita ay ang mga weird machines at madaming taong naka lab gown, pag pasok ko ay meron uling isang pinto na nakahilera sa harapan. Glass yung room at mga high tech yung mga ginagamit nilang gadgets, lahat ng matatapakan ay glass pati rin ang mga gamit. Sa tabi ng pinto ay may isang box na glass rin na nakadikit sa pader sa baba nuon ay, may maliit na screen na pang type. Meron ring lalaking naka maskera na nasa tabi ng pinto at halos lahat ng tao dito ay may sari sariling business. Ng nasa tapat na namin yung pinto ay biglang tumigil yung babae at may tinaype dun sa screen at lumabas naman sa box ang isang panturok.

"This won't get hurt." Sabi nya, kaya naman tumungo nalang ako at hinintay na maturukan sa braso. Pag katapos nya akong turukan ay nag type uli sya dun sa screen ng kung ano ano at tska naman lumabas sa box na yun ang isang container ng dugo, nilagay nya yung dugo ko dun. Pag katapos ilagay ay nag type uli sya at pumasok na yung container na nakalagay kanina sa taas ng box. Pag katapos mag type ng pag kabilis bilis dahil sanay na sya.

"Sight." Sabi ng speaker ng box habang sa box na yun ay may naka simbolo na mata.
Bumukas naman yung pinto at sa loob ay merong isang upuan na madaming nakasaksak at for sure machine din yun. Sa upuan ay may arm chair kung saan ay may mga art materials. Sa  harap ng upuan ay may screen na may picture ng isang dagat at makikita ko dun ang sunset. Haayyy, nakaka relax naman yung nasa screen. Pumunta yung babae sa harap ng upuan kaya naman sumunod ako.

"Have a sit." Sabi nya. Kaya naman sumunod ako. Bigla nyang kinuha yung katulad sa sinuot ni trisha. Si trisha! Ibig sabihin lahat ng nakita ko nung nahawakan ko sya ay totoo?? Pero nakaka pag taka Lang talaga ee, bakit ko naman makikita yun?? Ano sign na mag ingat ako?? Or what?? Ayishh

"calm down, down think a thing that can distract your mind." Sabi ng babae, tumungo naman ako at huminga ng malalim saka pumikit.

"Listen, habang nag kokonsentrate ka, find some place that's so peaceful, just focus on something peaceful." Sabi nya habang ikinakabit sakin yung helmet na ewan. Tumungo nalang ako at hinawakan yung pencil.

::::::::::::::::::::::::::::

Sorna na po kung nakakabitin ung mga updates ko, hehehe
Tnx din pala sa mga nag comments and votes at sa mga readers ko :) kaway kaway naman kayo dyan! *wave* *wave*
(Kung meron man -,-)  Btw VOTES AND COMMENTS  :) and pls. Be patient sa pag wait ng updates hehehe. Sisipagin kong mag update ng mabilis.























Light Shadow AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon