I dedicte this chapter to @JennaCastillo6 ... :)
Sofia's POV
Kaasar naman 'to ho. Nagrarush na nga akong naglalakad pero sinusundan pa rin ako ni Bailey. Sofia bilisan mo. Malapit na siya sa'yo pero peste may bumangga pa sa'kin.
"Ayy Miss sorry talaga". Nakayuko siya. Pinupulot niya ang mga libro kong nakalapta.
"Bilisan mo", pangmamadali ko sa kanya. Palingon-lingon ako pero asan na si Bailey?
"Uhmm konti na talaga". Tumayo siya kaagad. Nakayuko ang ulo niya habang inaarrange ng mabuti ang mga libro ko.
"Wag mo ng iarrange", sabay lingon-lingon ko.
"Sorry talaga ha. Oh hayan na...", pero palingon-lingon pa rin ako. Asan na ba si Bailey? Nagtatago ba siya?
"Miss? Heto na 'yong mga libro mo". Nasa harapan ko na pala ang mga libro kong hawak niya pero palingon-lingon pa rin ako.
"Miss? Wala kang balak na kunin?". Agad kong kinuha ang libro ko.
"Salamat ha", sabay alis ko.
Ylona's POV
Nandito na kami ngayong lima sa canteen. Inaantay namin sina Zonia, Jimboy, Kyle at Ailah. Magkaiba-iba sila kasi ng section maliban kina Jimboy at Kyle na solid magkaklase pa rin.
"Haay!! Kamusta na kaya sina Bailey at Sofia no?", parinig ni Kamille. Tinutukso pa rin nila kasi ako at inaasar dahil sa pagsunod ni Bailey kay Sofia. Ano naman ang pakialam ko? Oo. Nagselos nga ako kanina pero hindi ko naman makontrol 'yon dahil pakiramdam 'yon no.
"Oo nga no? Kamusta na kaya sila?", pagraride on ko pero bakit natahimik sila? Napatingin ako kaagad sa kanila. Nagpapalitan sila ng mga tingin tapos sina Kenzo at Kamille, nagsisikuhan. Napatingin naman ako kina Barbie at Ryan, pigil ang mga tawa nilang dalawa.
"Sige tumawa na kayong apat. Democratic country naman 'to". Hayun, tawang-tawa silang apat. Kitams? True friend ko talaga sila. Mahal na mahala talaga nila ako dahil sa pang-iinsulto nila sa'kin.
"Ride on pa bunso!!! Halata namang nagseselos ka no", tawang-tawang sabi ni Kenzo.
"Hindi nga ako nagseselos at tsaka kung magiging sila, edi fine!!!! Anong magagawa ko?"
"Oh kitams darks? Halata ka talaga girl. Wala pa nga pero prinepredict mo ng magiging sila", pagngiti ni Ryan.
"Ewan ko sa inyo. Hindi ba kayo supportive?", pagkaasar ko.
"We're supportive Ylona pero ikaw? Susuporta ka sa kanya? E hindi pa rin nga kayo nagpapansinan e"
"Tama si Kamille. Hindi mo susuportahan si Bailey", sabay akbay ni Ken kay Kamille. Grabe! Kampihan pa talaga ang magsyota. Ang sarap nilang pagsisipaing dalawa-- nasa harapan ko lang kasi sila.
"Kung ayaw niyong maniwala edi fine"
"Speaking of ayaw maniwala, besh....". Napatingin kaagad si Barbie kay Ryan. Katabi kasi ni Bie ang Kamzo at katabi ko naman si Ryan.
"Oh bakit?"
"Bakit ka ba binigyan ng regalo ni Kyle? Ano bang meron sa inyo?", pagtataka ni Ryan.
"We're friends"
"Friends lang nga ba tseb? Dati-rati ayaw mong tanggapin ang halos lahat na binibigay ni Ken sa'yo pero ngayon? Anyare?". Napatingin si Barbie kay Kamille pero ningitian niya lang ito.
"Wala ba kayong something na dalawa?", pagtataka ni Kenzo.
"Wala at tsaka people changed. Kita ko namang mabait din si Kyle kaya naging kumportable ako sa kanya"
![](https://img.wattpad.com/cover/54356866-288-k304472.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Teen Fiction"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...