I dedicate this chapter to @AkkinYuriko ... :)
JK's POV
Sabi ko na nga ba e. Tama nga ang kutob ko. Paniguradong si Grae ang pinakadahilan sa paghihiwalay nila pero bakit ganun-ganun na lang 'yong pag-amin ng totoo ni Ylona sa mga taga-press at media? Hindi niya ba naisip na masisira ang career niya dahil sa ginawa niya? Hay ewan! Grabe talaga 'yon. Ano din kaya 'yong sira na ang image niya kay Bailey?
"Tol ...". Napatingin ako kay Jimboy. Nandito pa rin kasi kaming mga Fighters sa pwesto namin.
"Akala ko ba 'yong sweetness na 'yon nina Bailey kanina, ok na pero totoo ngang naghiwalay sila", disappointed si J.
"Desisyon nila 'yon"
"E pa'no ang career nilang dalawa?". Napatingin kami ng sabay ni Jimboy kay Kyle. Wala kaming maisagot pareho ni J. Ramdam ko din naman kasing nasasaktan din ang dalawang 'to dahil sa nangyari kanina.
"Grae ....". Bigla kaming napatinging tatlo sa leader ng The Pogimons. Nasa harapan siya ni Grae.
"Wala ka ba talagang kinalaman?". Tumayo ang pinsan ko pero bakit ang angas? Bakit parang ang yabang?
"Anong sinasabi mo?"
"Tol upo ka na nga". Hinahatak siya ni John pero nagmamatigas ang pinsan ko.
"Wag ka sanang maoffend pare. Ikaw kasi 'yong huling taong kasama ni Ylona no'ng magcool-off sila ni Bailey. Lumabas kayo no'n 'di ba ng conference room?"
"Oo ako nga 'yong huling taong kasama ni Ylona pe......"
"Tol umupo ka na nga. Kanina ka pa sinasabihan". Hinahatak siya ni Joaquin. Napatingin siya sa kaibigan niya.
"Kalma", sabi niya kay Joaquin pero nabaling na ulet ang tingin niya sa leader ng Pogimons.
"Yong sinasabi ko kanina. Ako nga 'yong huling kasama ni Ylona pero oo ako 'yong dahilan ng cool-off nila"
"GRAE!!!", sabay tayo ko. Napalingon si Grae. Ngumiti siya sa'kin pero naiinis ako sa kanya. Hindi kasi siya nag-iisip e.
Grae's POV
Haaay! Mga tao nga namang kayang ipagtanggol ang Bailona. Tatanong talaga para may malaman. Eto namang pinsan ko, sasawayin pa ako. E totoo namang nagcool-off ang Bailona dahil sa'kin but the third game starts now. Sasabihin ko na talaga sa mga co-fighters namin na ako ang dahilan ng pagkocool-off nina Bailey at Ylona. I assure na hindi ako mapapahiya dito pero ang saya ko dahil totoo ngang naghiwalay na sila. Ano naman kaya ang dahilan? Ako pa rin kaya o ang ibang tao? Hay! Party R'cken!! Galing ko talaga at mas gagalingan ko pa ngayon kaya tumingin na ako kaagad sa leader ng Pogimons na 'to. Nasa tabi niya na ang mga members niya. Masama ang tingin nila sa'kin. Wow? Magrarambulan talaga dito? Reresbakan nila ako para kay Bailey?
"Ikaw ba talaga ang dahilan? Totoo ba ang mga sinasabi mo?", pagtatanong ng isa nilang member sa'kin.
"Ako nga 'yong dahilan". Biglang hindi maipinta ang mga mukha ng mga Pogimons.
"Bakit mo ngayon sinasabi 'to sa'min?". Parang naiinis ata ang leader ng Pogimons sa'kin ah?
"Para 'wag na kayong magtanong. Alam ko namang kasing hinding-hindi kayo maniniwala kapag iba 'yong sinabi ko"
"E bakit kailangan nilang magcool-off?", pagtatanong ng isa pang member ng Pogimons.
"I ki ....."
"Alam mo Grae ....". Inakbayan ako bigla ni Nash. Bw*sit. Umepal pa talaga 'tong kaibigan ko. "You kilangan Ylona that time 'di ba?". Napangisi na lang ako. Tumango-tango ako at siniko ko siya kaagad.
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Ficção Adolescente"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...