To Get Her

242 12 10
                                    


Dedicated sa lahat ng mga sumuporta sa kwentong 'to hanggang sa last chapter. Salamat ng marami kahit na sobrang delay minsan ang mga updates ko. Mwuuah lagpok!! :* Kiss bomba! BOOM! Love you darks <3


Bailey's POV

Apat na taon ang lumipas ng umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanila. Hindi ako umalis dahil sa nasaktan ako dahil sa nagkaanak sina Grae at Ylona. Hindi rin dahil sa takot si Cade sa'kin kundi dahil may kumantak sa'kin na kailangan kong pumunta sa States. Sinabihan ko rin sina mommy na may pupuntahan lang ako pero ang totoo, gusto ko rin munang lumayo. Naapektuhan kasi ako sa nangyari kay Ylona. Nasaktan din ako dahil hindi pa siya nagigising no'n pero sigurado na akong gising na gising na 'yon ngayon.

"TATAY!!!". Napahinto ako sa paggigitara ng tinawag ako ni Loisa. Oo si Loisa na 'to at dalaga na siya. Siya ang dahilan kung bakit pumunta ako ng States. Namatay kasi ang mga umampon sa kanya dahil sa isang car accident. Naawa ako ng malaman ko kaya pumunta ako pero ng lumaon dumiretso kami dito sa London. Oo inampon ko siya at tinuring na isang tunay na anak. Dalaga na nga e at sobrang ganda na. Ayoko muna 'tong magboyfriend.

"Tay!"

"Oh bakit?"

"Balik na tayo ng Pilipinas. Miss ko na po si mother"

"Si mother lang?"

"Si Nanay Ylona din at tsak tay, heto po oh". Pinakita niya sa'kin ang picture ng barkada na post sa Instagram ni Ylona. Hindi lang pala barkada kundi buong Fighters Company. Meron na din palang pamilya ang The Beatches at The Pogimons. Sigurado akong nagkatuluyan silang lahat.

"Tatay heto siguro si Cade oh". Napangiti ako kasi ang laki na ng anak ko. Kamukha niya talaga si Ylona pero siguro si Camylle na 'tong katabi ni Grae kaso mas kamukha pala ni Camylle si Ylona at sa kabila naman siguro ay si Devae.

"Ang lalaki na nila"

"Pero tay kamukha mo 'tong si Justin oh"

"Oo nga no?"

"Gwapo ahh? Kaso 8 years ang gap ko ata"

"Ang bilis ng panahon"

"Kaya tay uwi na tayo", pero teka lang, buntis sina Sofia at Barbie? Aba! Ayaw din pahuli pero kailan 'tong sina Kamille at Kenzo? Maglalast trip ba sila o hindi?

"Uuwi tayo pero hindi pa sa ngayon"

"Tay naman oh"

"Loisa 'wag ka ngang makulet", pero may anak na sina Jengjeng at Nic? No'ng nanganak kasi 'yong tatlo wala naman sila no'n kaya siguradong anak nila 'to.

"E atat na po ako tay"

"Pero kantahan mo muna si tatay"

"Anong kanta naman po?"

"Kahit ano ....."

"Uhmm alam niyo po ba ang chords ng Stay With Me?"

"Oo naman baby Loisa"

"Ehhh .. I hate you tay! Ayoko ng tinatawag akong baby"

"Ahh basta ikaw pa rin ang baby ko. Ikaw kaya ang nagpasaya sa'min ni Ylona"

"Baliw ka tay!"

"Start na nga ako ... BABY!"

"Tay!". Hinampas niya ko pero sinindakan ko siya't natahimik.

"Wag kang oa Loisa ha", seryosong sabi ko.

"Sorry po"

"Ngingiti na ang baby"

Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon