Can You Be My Girl? (Again)

160 10 5
                                    

I dedicate this chapter to @itsmcngl :)

Zonia's POV

Kinabukasan pumasok na ko ng school ganun na rin si Franco pero sinabihan kami ni Bailey na 'wag sabihin kay Ylona ang totoong kalagayan niya. Pa'no ba 'to? Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sa barkada na nahospital ang pinsan ko. Hindi ko din alam kung pa'no ko sasabihin sa kanila na may malala na siyang sakit.

Pa'no 'to?

Kung kaya ni Sofia magtago pwes ako ayoko talagang maglihim sa kanila.

Mukhang ako ata ang hihimatayin.

Mukhang sasakit din ang ulo ko.

Mukhang magkakaroon din ata ako ng tumor.

"Hey Z!!!"

Napahinto ako.

Mas lalo akong kinabahan.

Kay Ylona ba 'yon boses?

"HOY!!!!"

Inakbayan niya ko.

Tumingin ako sa kanya.

Si Ylona nga.

"Oh bakit ganyan 'yang mukha mo?"

"Uhmm wa... Wala"

"Ahhhh pero Z, may load ba si Bailey kagabi?"

"Hi ...hindi ko alam"

"Ganun ba? Tineteks ko kasi siya at tinatawagan pero 'di niya sinasagot"

"Ba.. Bakit? Anong pinag-usapan niyo sa rooftop?"

"Zonia totoo ba talagang mahal niya pa rin ako?"

"Hindi 'yon nagbago Ylona kahit kailan pero it's better na maging friends muna kayo, I mean beastfriends"

"Yon na nga e. Zonia pa'no kung takot lang ako na maging kami ulet?"

"Bakit ka naman matatakot?"

"Baka kasi mawala na naman siya"

"Mawawala? Bakit may alam ka ba sa kalagayan niya ngayon?"

"Kalagayan? Anong sinasabi mo?"

Halah!

Ano ba naman 'to?

"Nevermind"

"Uhmmm ...", sabay tingin ni Ylona sa relo niya.

"Pupunta pala ako sa music room"

"Bakit?"

"Magmemeeting kami para sa Singing-Writing Competition ulet. Hindi kasi natuloy last year. 'Yong Playlisters kasi 'di nagkaintindihan"

"Ibabalik ba nila?"

"Oo daw pero dapat ibalik talaga. Malay mo may mas magaling pa pala"

"Kesa sa'yo?"

"Oo"

"Naman talaga oh! Mas magaling ka Ylona. Tiwala!"

"Baliw! Alis na ko. Bye!"

Bumeso siya sa'kin at agad na nagtatatakbong umalis.

Ylona's POV

Patay!

Nagstastart na.

Ylona nakakahiya ka.

Late ka na nga tapos hingal na hingal ka pa.

Napapikit ako at huminga ng malalim pero biglang may umakbay sa'kin at hinatak ako papasok sa loob ng room.

"Good morning everyone, sorry we're late"

Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon