I dedicate this chapter to @rutchelgwapa .. :)
JK's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng SM. Dito daw kami magkikita ni Andrea pero naman oh! Kita na nga niya kung ano ako tapos dito niya pa talaga naisip ang meeting place namin. Kung hindi ko lang talaga mahal 'yong pandak na 'yon, hindi talaga ako papayag na dito kami magkita, dahil I'm pretty sure na kukuyugin ako dito 'pag nagkataon at sana walang ni isa ang makakita sa akin.
"Hello Ding asan ka na?", pagtatanong ko sa kanya sa phone.
[Papunta na. Wait lang]
"Kanina pa ako nag-aantay dito ha.Bilisan mo dya.....", paghinto ko dahil halos lahat ng mga dito ay parang nakatingin na sa akin.
[HOY KANONG HILAW!!! HOY!!!]
"SI JK!!!!", pagsigaw ng babae. Kainis!!! Kaya hayun, kahit ang ibang mga tao na hindi nakatingin ay napatingin at napalingon. Dagdagan pa ng pagtili at paghiyaw nila dito pero hindi ba naging effective ang pagsuot ko ng jacket at cap? Ganun na ba talaga kafamiliar ang pagmumukha ko sa kanila?
"Teks mo na lang ko bhe. Kinukuyog na ko dito", sabay baba ko ng phone.
"Hi JK!!!"
"JK PAPICTURE!!!"
"JK!!!! JK!!!! PAHUG!!!!"
"JK bakit ka nandito?"
"Wa...wait lang mga girls ha. Sandali lang". Laaahh!!! Nagsalita lang ako, tumili pa sila lalo. "Gusto niyo pa ko makita next time?"
"YES!!!!", sabay na sagot nila.
"Pwedeng 'wag niyo kong kuyugin pa lalo kasi hindi ako makahinga"
"Oy! Atras kayo ho", sabi ng babae.
"Sorry talaga kung ganun 'yong pagkakasabi ko ha. Gusto ko kasi pati 'yong nasa pinakalikod, makita ako"
"Ang bait talaga", pagngiti ng isa pang babaeng nakaviolet pero hiya ako tuloy. Hahahahah ..
"Gusto niyo bang mapanuod 'yong concert ng D'Throbs?"
"OO NAMAN!!!", sabay na naman silang lahat.
"Pero kailan JK?"
"Next month and magstart na kayong magtipid"
"Hihingi na lang ako kay mama", pabirong sabi ng babaeng nakawhite.
"Pero girls, it's better na magtipid kayo and wait! Groufie tayong lahat. Sinong may monopod dyan?"
"Ako!!!!", pagsagot ng babaeng nakapink.
"Oh sige. 1 ...2 ... Oh ang nasa likod, hindi kita ..Oh again .. 1 ..2 ..3 ..Pose!!!"
Bailey's POV
"Sure ka ba my bae sa gagawin mo?", pagtatanong ni Ryan sa'kin habang naglalakad na kaming lima papuntang locker.
"And sure ka rin ba sa sasabihin mo?", pagtatanong ni Kamille sa'kin habang hatak-hatak siya ni Kenzo. Nagrarush na rin kasi kami dahil baka wala na do'n sina Ylona.
"Sure ako sa gagawin ko"
"E baka kasi nagstastart na rin 'yong class natin", pagkainis ni Barbie.
"Wag ka ngang nega Bie. Maaga lang talaga tayo kanina. Medyo matagal pa kaya ang time. Kung gusto mo bumalik ka na lang do'n", pambabara ni Kenzo sa kanya.
"Ang sama mo!!!", sabay hampas ni Bie kay Ken pero etong mokong, natawa lang.
"Kaw talaga pikunin", pagngisi ni Kenzo.
![](https://img.wattpad.com/cover/54356866-288-k304472.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Teen Fiction"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...