Oras at Lunas

188 13 22
                                    


I dedicate this chapter to @NotAnIntruder  ........ :)

Bailey's POV

"Uhmmmm, excuse me guys, uwi na kami ni Ylona", pagngiti ni Iñigo habang nakaakbay kay Ylona.

"Sige ingat kayo", pagngiti ni Grae.

"Selos?", bulong ni Sofia sa'kin pero pinili kong tumahimik at 'wag siyang pansinin.

Napatingin na lang ako kay Grae na nakalingon kina Ylona at Iñigo kaya napatingin na rin ako sa dalawa habang sweet na sweet na naglalakad.

Pweee!!!

Nakaakbay si Iñigo sa kanya habang si Ylona naman nakahawak sa bewang niya.

"Parang magkaibigan lang ang peg nila no? Sweeeeet ...", pang-aasar ni Sofia sa'kin pero pinili ko pa ring tumahimik.

Sinamaan ko siya ng tingin pero napatingin na naman ako kay Grae na hanggang ngayon ay nakalingon pa rin kina Ylona at Iñigo.

Naglalakad na silang dalawa palayo sa'min pero parang may something akong nasesense na mangyayari.

"Snobber", mahinang sabi ni Sofia.

Napatingin ako sa kanya pero inirapan ako kaagad.

"Alam mo pinsan, pasyal tayo", sabay hatak ni Sofia kay Ryle pero 'yong pinsan niya naman parang may glue 'yong mga sapatos.

Hindi makaalis.

Parang nagpapapilit pa.

"PINSAN!!!!"

Napamewang si Sofia.

"May kasalanan kayo sa'kin ni Grae kaya bumawi kayo sa'kin"

"Ano ka? Siniswerte?", pagtawa ni Ryle.

"Oo nga naman. Kakarating lang ni Ryle tapos papagudin mo?"

"Sus! Palusot", sabay pinacross ni Sofia ang magkabila niyang braso.

Tumalikod siya ...

Pero kinindatan niya ako.

Nagtaka ako bigla.

"Kunwari lang 'to", walang boses na sabi niya sa'kin.

Whoooo! Grabe talaga oh. Nagkukunwari lang palang nagtatampo kina Ryle at Grae.

"Sofia The Great Queen of Katarayan", mahinang sabi ko.

Nainis bigla ang expression ng mukha niya.

Humarap na siya kina Grae at Ryle.

Napatingin ako kay Sharlene, nakangisi lang siya.

"Sige na. Pasyal na tayo cowzin and bestfriend", pangpiFrench accent ni Sofia.

Sus! 'Di bagay.

Hayun, pinagpatuloy pa rin niya ang pamimilit sa dalawa habang nagpiFrench accent pa rin kaya ito na 'yong chance na puntahan ko sina Ylona at Iñigo. Magbabakasali ako na baka nando'n pa rin silang dalawa.

PARKING AREA

[HINDI KO NGA MAALALA NA IKAW 'YONG KABABATA KO 'DI BA??!!! KAYA BA MINAHAL MO KO KASI AKO 'YONG KABABATA MO??!!!]

Kababata?

Magkababata sina Ylona at Iñigo? So ibig sabihin, siya si Jengjeng na kababata namin ng Iñigo na 'yan?

Whataaaahhh?!!!

Pero wala naman ako maalala na kababata ko si Ylona. Namet ko naman ang parents niya pero hindi naman 'yon 'yong parents ni Jengjeng.

Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon