I dedicate this chapter to @Charice94 ... :)
Bailey's POV
Papalabas na kami ngayon ng mall ni Ylona ng bigla naming makasalubong si Iñigo.
Nagulat kami at napahinto kaming tatlo ng sabay.
"Ylona halika na", sabay hatak ni Iñigo pero bigla kong hinatak din si Ylona.
Hawak ko ang kanang kamay niya.
"Pare pwede mo bang bitawan ang kamay ng girlfriend ko?"
"Bakit? Girlfriend mo ba talaga siya?"
Mas lalo kong hinatak si Ylona papunta sa'kin.
"Magsasabi ba ako kung hindi?"
"HINDI KASI MGA SINUNGALING KAYO!!!", sagot ko pero bigla niyang hinatak si Ylona papunta sa kanya.
"Bitawan niyo nga akong dalawa at please naman ho, nakakahiya. Tignan niyo ang mga tao"
Napalingon ako't napatingin habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Ylona.
Ang daming kumukuha ng litrato.
Meron ding nagbibidyu.
Meron ding nagbubulungan.
Meron ding nagtataka ang mga expression ng mga mukha nila.
"So titigil na kayong dalawa?", pagtataray ni Ylona.
Natahimik ako.
Unti-unti ko na ring binitawan ang kamay niyang hawak ko.
"Halika na by", sabi ni Iñigo sa kanya.
Agad silang lumabas ng mall.
Sinundan sila ng iba pero meron ding nagpaiwan.
Lumapit sila bigla sa'kin pero agad akong umalis para umiwas sa mga katanungan nila at akala ko, makakapag-usap na kami ni Ylona tungkol sa mga narinig ko kanina.
Sofia's POV
Kanina pang tahimik si Ryle simulang mangyaring magkagulo sila ni Grae kanina. Ewan ko ba kung bakit bigla-bigla na lang silang nag-away, nagsigawan at nagkasagutan.
"Uhmmm Ryle.....". Napatingin siya sa'kin. "Bakit ba kayo nag-away ng ganun ni Grae?"
"Wag ka ng magtanong. Baka atakihin ka na naman ng asthma mo"
"E kasi......."
Nagulat ako ng biglang napapreno si Ryle.
"HINDI BA'T SABI KO SA'YO, 'WAG KA NG MAGTANONG??!!!"
"Kasi insan kakauwi mo lang tapos nag-away kayo tapos si Grae lang 'yong kinontak mo na ngayon ka uuwi so nakapagtataka talaga na ganun ang nangyari kanina sa inyo"
"Wag ka ng sumali sa gulo"
"Gulo?", pagtataka ko.
"Wala", agad na sagot niya.
"Pero anong sinasabi ni Grae na sana ikaw na lang ang gumawa? May hindi ba ako alam Ryle?"
"Wala. Nevermind"
"May tinatago kayong dalawa sa'kin e"
"WALA NGA!!!!"
"EDI WALA!!!!"
Sinamaan ko siya ng tingin.
Papaandarin niya sana ang kotse pero .....
"Bakit ka ba biglang umuwi?"
![](https://img.wattpad.com/cover/54356866-288-k304472.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Teen Fiction"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...