I dedicate this chapter to @Cyber_Pretty ... :)
Bailey's POV
Hanggang ngayon badtrip pa rin ako sa pagpatid ni Ylona sa'kin. Nakakainis. Nagpapapansin ba 'yon o nagseselos? Kung nagseselos nga siya, inassume niya siguro na para sa kanya 'yong regalo na 'yon. Hay ewan talaga!
"Ok good morning class. Pagpasensyahan niyo na kung nalate ako. May naging emergency lang kasi kanina sa bahay"
"Ok lang po mam", pagngiti ng classroom president namin.
"Bro?", mahinang sabi ni Ken sa'kin.
"Bakit?"
"Ba't binigyan ng regalo ni Kyle si Barbie?"
"Aba ewan ko"
"Edi ba? Hindi ba't hindi nagpapaligaw si Bie dahil sila ni John?"
"Oo. E ano naman? Gift lang naman 'yon"
"E kahit na. Iba pa rin bro"
"Hinding-hindi manliligaw si Kyle. Alam ko 'yon. Marunong kaya 'yong lumugar"
"MR. MAY!!!"
"Po?", sabay tayo ko.
"MR. GUTIERREZ!!!"
"Po?", sabay tayo rin ni Kenzo.
"Bakit ang ingay niyong dalawa?"
"IkawkasiKene"
"TumahimikkangaBailey"
"Anong binubulong niyong dalawa dyan?", sabay pamewang ni auntie.
"Ahhh ...ehh ..Hindi po ..Hindi po kami nagbubulungan Mrs. Cabello.Hindi ba bro? Hindi ba Bailey?"
"Oo nga po auntie ay este Mrs. Cabello pala"
"Aba. Galing niyo rin no? Anong pinag-uusapan niyo?"
"Nagtatanong po kasi Mrs. Cabello si Bailey kung kailan daw sila magkakabalikan ni Ylona"
Ylona's POV
Nakikinig lang ako sa konting pangungunsumisyon ni Mrs. Cabello kina Bailey at Kenzo. Alam naman kasi nilang nagsasalita si tita pero usap pa rin sila ng usap. 'Yan tuloy napagalitan silang dalawa pero nagulat ako sa isinagot ni Kenzo kay Mrs. Cabello. Bw*sit talaga. Hayan na naman, pinagtutukso na naman kaming dalawa ng mga kaklase namin. Hindi ko tuloy maiwasang bumilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ring, namumula na ang magkabila kong pisngi. Kaasar!!!
"Totoo ba pamangkin?". Napatingin ako kay Mrs. Cabello. Nakapamewang si tita at halata sa kanya na kinikilig siya.
"Uhhmm ..Hi ..Hindi po no". Napaaww 'yong mga kaklase namin at Ylona, hindi ka nasasaktan. Ok ka lang. Nakamove on ka na 'di ba?
"Sige nga. Kung hindi mo na gustong balikan si Baby Una. Mag-eye to eye nga kayo"
O.O
"Auntie I'm just trying to say na hindi po 'yon 'yong pinag-uusapan namin ni Ken. It is not about making back in her life again". Grabe! First day na first day, pinapahiya niya ako. Parang sinampal niya rin sa'kin ang mga sinasabi niya. Kailangan talagang ipamukha? Hindi ba siya aware?
"Girl ok ka lang?". Napatingin ako kay Ryan. Tumango akong nakangiti sa kanya pero deep inside talaga nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil parang inaapakan niya na naman ako.
"Bakit ka humuhugot pamangkin?"
"AUNTIE!!! AKALA KO BA PINAPAGALITAN NIYO KAMI NI KENZO DITO??!!"
"Bakit mo ko sinisigawan sa harapan ng mga kaklase mo?", galit na ang tono ng pananalita ni Mrs. Cabello.
"E kasi ....", paghinto ni Bailey.
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Roman pour Adolescents"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...