I dedicate this chapter to @icesmileyellow ... :)
Ylona's POV
Naidilat ko bigla ang mga mata ko.
Kumunot ang magkabila kong kilay.
Bakit magkadikit ang mga labi namin ni Bailey?
Sh*t! Tinulak ko siya kaagad.
Bumangon ako't tumayo.
"No ... no ... no ... no ... no!!!!", sabi ko sa sarili ko habang tumatayo ako.
Nataranta ako.
Agad akong naglakad palayo sa kanya.
"Mali 'to. Hindi 'to pwede"
"YLONA SANDALI LANG!!!!"
Hinawakan niya bigla ang braso ko.
Napapikit ako.
Pagkadilat ko, nasa harapan ko na siya.
"Ylona....", paghinto ni Bailey. Pinastop sign ko kasi ang kamay ko.
"Ylo....", paghinto niya ulet. Pinastop sign ko na naman kasi ang kamay ko.
"Ylona naman"
"Maling-mali 'to. Sana hindi na lang ako sumama"
"Anong mali dito?"
"Niloloko ko na si Iñigo"
"Hindi naman kayo 'di ba?"
Nagtaka ako.
Anong ibig niyang sabihin?
"Bakit ba kasi tayo nandito ha?"
"Bakit kailangan niyong magpanggap ni Iñigo na kayo?"
"What are you trying to say?"
"HINDI MO TALAGA GETS??!!! YLONA!!!! Kanina ko pa sinasabi sa'yo sa school na may mga mata't tenga ako. Nakita at narinig namin ni Sharlene na fake ang relationship niyo ni Iñigo"
Bigla kong naalala, no'ng papunta kami ni Iñigo kina Ryle at Grae. 'Yon 'yong time na nagkagulo silang dalawa.
"Kaya ba tumiming no'ng tumayo kayo ni Sharlene sa may gilid ng sasakyan?"
"Oo. 'Yon 'yon Ylona"
"Pero Bailey mali 'yong narinig niyo ni Sharlene"
"HUWAG MO NGA AKONG GAWING TANGA!!! GRADUATE NA AKO AT SUMA AKO DYAN!!!"
"Suma?", pagtataka ko.
"SUMAma ang loob ko sa'yo. Parati ka na lang nagsisinungaling"
"OH SIGE!!!! OO NA!!!! FAKE NA ANG RELATIONSHIP NAMIN NI IÑIGO!!!! PERO BAILEY.... NO'NG UMPISA LANG 'YON!!! THAT TIME!!! KAMI NA TALAGA!!!! SINAGOT KO NA SIYA AT OFFICIAL NA KAMI NA TALAGA!!!!"
"So wala na akong chance?"
"Tanggapin mo na lang kasi na nagbabago ang love. Minsan akala mo para sa'yo pero hindi naman pala"
"So hindi pala ako suma dito. CUM lang pala ako"
"Ang drama mo Bailey pero ang korni mo naman. Ano na naman ba 'yang cum na 'yan?, pagkaasar ko.
"CUM!!! CUMawala ka na sa'kin. Bumitaw ka na talaga"
"EWAN KO SAYO!!!"
"Pero hindi ikaw si Jengjeng. Maling-mali si Iñigo"
![](https://img.wattpad.com/cover/54356866-288-k304472.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Teen Fiction"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...