I dedicate this chapter to Worstadmirer ...
Ylona's POV
It's been a week ng mangyari ang lahat ng 'yon.
Naging ok na kaming lahat.
Naging magaan ang lahat sa'min.
Minsan namamasyal kaming magkakasama at oo, kasama si Ryle. Kahit na ganun ang nangyari ok na rin sa'min na maging part siya ng barkadahan.
Mukha nga rin na may naiinlaban na ang mokong.
Pa'no ba naman kasi may dancer na kinuha si boss. Taki 'yong name then partner sila sa isang prod for D'Throbs Concert.
Parati nga silang nagkakamali e dahil minsan hindi siya mabuhat-buhat ni Ryle sa ere.
Napapagalitan na nga sila ni Teacher G dahil sa kamalian nila.
Haysh! Strikto kasi 'yong nagtuturo sa'min kaya minsan bawal talagang magkamali. Two days na nga kaming ganito at straight 'yon ha?
Nakakapagod pero masaya.
May sumisiplang.
May nadudulas.
May nagkakamali.
Minsan nga pasalamat na lang kami kung ngumingiti at natatawa si Teacher G sa kamalian namin pero kung hindi, seseryosohin mo talaga.
"Bakit ba kasi heto 'yong naging partner ko?", pagbabakla-bakla ni Ryle.
"SHUT UP AND DANCE WITH ME!!", pagtataray ni Taki.
"Owwwwwww", sabi naming lahat.
Napa-tsk ng ilang beses si Ryle.
Napalungo rin siya.
"Halika nga dito", pagmamayabang niya.
"Oh bakit?", pagtataray lalo ni Taki pero bigla siyang binuhat ni Ryle.
Natatawa kami tuloy.
"Magpahinga na muna ang lahat. Ayusin niyo 'yan Taki and Ryle", sabi ni teacher G sa'min.
Kaya heto, kanya-kanya kaming mga pwesto at pagkaupo ng pagkaupo ko ay napatingin ako malapit sa may speaker, sina JK at Andrea. Ss talaga at parang walang may nangyaring gulo no'ng isang linggo.
Grabe sila no?
Napatawad nila kaagad ang isa't-isa?
Pero bago pa mahantong 'yan sa kung saan ang mga sinasabi ko, sina Kyle at Barbie. Naging magkaibigan na talaga. Tinanggap na lang ni Kyle ang consequence sa nagawa niya. Tinanggaap niya na rin na hindi na sila magkakabalikan pa ni Bie.
Hindi niya na nga lang pinapahalata na mahal niya pa rin si girl para makaiwas siya sa gulo. Mahirap daw kasing magkagulo ulet.
Napatingin naman ako malapit sa may drum and guitar, sina Kamille at Kenzo? Sus! Nagkatampuhan dahil inintertain na naman daw ulet ni Ken ang babaeng kinokontak siya pero ok na rin 'yang tampuhan nila para iwas PDA na rin sila paminsan-minsaan.
Sina Jimboy at Zonia? Hay ewan!!!! Nasa harapan ko sila. Nakatayo silang dalawa at NAKAKAPANIBAGO dahil sila na naman 'yong panay ang PDA.
Makaback hug naman kasi si J kay Z napakawagas at ang mas worst, may pahalik-halik pa.
Sa pisngi ...
"HOY! PDA PA MORE!!!!", pang-aasar ni Franco sa kanilang dalawa.
"Inggit ka lang pinsan", pagpapa-inggit ni Z sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Roman pour Adolescents"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...