Itinadhana o Kinailangan?

265 16 24
                                    

I dedicate this chapter @mariaramos2291 .. :)

Franco's POV

Pabalik na kami ngayon ng bahay nina Bailey. Nagtataka ako kay Grae. Hindi niya na ba talaga mahal si Ylona? E dati-rati sabi ni Ryle sa'kin, mahal na mahal ni Grae si Ylona kahit na anong mangyari pero anong nangyari ngayon? Dati si Grae, good boy na good boy pero ngayon? Bad boy na bad boy? Grabe ang mga pangyayari kanina. Hindi ko 'yon inekspek sa pagbabalik ko dito galing ng leadership training.

"Ylona sigurado ka bang nakamove on na talaga si Grae sa'yo?". Napahinto kaming lahat. Nabaling ang mga tingin nila sa'kin.

"Anong ibig mong sabihin Franco?", pagtataka ni Ylona.

"Hindi mo ba nasink in sa isipan mo ang sinabi ni Grae na binaleng niya kay Andrea ang pagmamahal niya na dapat sa'yo?"

"Medyo pero Franco nakamove on na siya e and if he is using my cousin then mali ang ginawa niya. Kita mo nga 'yong nangyari sa kanila ni JK"

"At tsaka, hindi 'yan si Grae na kilala ko. Mabait ang bestfriend ko", sabi ni Sofia.

"Kung ikaw bestfriend niya? Pa'no ako na pinsan niya?", pagkainis ni JK.

"Alam kong maling-mali ang ginawa niya kaso parang may something na kakaiba", pangangamba ni Sofia.

"Anong klaseng something?", pagtataka ni Jimboy.

"Something na kailangan niyang gawin ang lahat ng 'to"

"So ang pinopoint mo may kasabwat siya?", pagtatanong ni Kamille.

"Parang ganun na nga. Biglaan kasi ang pagmomove on niya. Parati na kasi 'yan nagkikwento sa'kin ng malaman ko na si Ylona na kasecret relationship niya ay siyang kaklase ko. Kinikwento niya ang lahat-lahat"

"Pero baka nakamove on na nga siya sa'kin at tsaka ....", paghinto ni Ylona.

"At tsaka baka sinasabi mo lang 'yan Sofia kasi magbestfriend kayo", pagtataray ni Andrea. Napatingin kami sa kanya. Napakasuplada ngayon ng awra niya.

"What do you mean Andrea?"

"What I mean is baka kayo ang magkasabwat"

"WHAT ARE SAYING??!! PORKE'T NALAMAN MO NA DATING NANLILIGAW SA'KIN SI JK??!! PAGDUDUDAHAN MO AKO??!!!"

"You can't blame me", pagtataray lalo ni Andrea.

"KUNG MAGKASABWAT KAMI SANA HINDI KO RIN SINABI SA BOYFRIEND MO ANG TOTOO!!!"

"WHY YOU'RE SO DEFENSIVE???!!! PINAGLIHI KA BA SA BASKETBALL??!!!"

"Anong sinasabi mo?"

"Na para kang bola na pinagpasapasahan". Natahimik si Sofia. Pagkatingin ko sa kamay niya parang mananampal na ito. "At tsaka nagpahalik ka 'di ba kay kuya Bailey? Baka nga kay Grae ganun din e"

"Don't judge me. You don't know me. Alam mo lang 'yong pangalan ko"

"At tsaka baka kay JK ganun din"

"ANDREA!!", pananaway ni Ylona.

"E TOTOO NAMAN ATE AHH??!!!"

"Andrea ...", mahinang sabi ni JK.

"ANO??!!!"

"Huwag mo namang husgahan si Sofia. Si Bailey 'yong humalik sa kanya"

"BAKIT MO SIYA PINAGTATANGGOL??!!!"

"KASI 'YANG BUNGANGA MO!!! PUTAK NG PUTAK!!!"

"Ako pa 'yong mali? You can't blame me also"

"Tama na baby Andrea", pananaway ni Kenzo. "Past is past na. Nangyari na ang lahat ng 'to kaya sana maging malakas kayo ni JK"

Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon