INTOXICATED

150 9 4
                                    

I dedicate this chapter to @ErisLeySeng ... :)

Ylona's POV

"What? Sure na ba 'yang pagbabalikan niyo?", pagkagulat ni Barbie. Nandito kasi kaming magbabarkada sa canteen. Naghoholding-hands kami ni Bailey pero hetong boyfriend ko, panay halik sa kamay ko.

"Kami na nga ulet darks. Bakit baa yaw niyong maniwala?"

"E kasi naman cous, pinahiya ka niya kahapon tapos ngayon, sasabihin niyong kayo na ulet?"

"Kahapon 'yon. Iba na ang ngayon at tsaka hindi ba kayo masaya kasi nagbalikan na kami?"

"Basta kami ni Ailah my bae super duper saya namin. Hindi ba girl?"

"Yes Ryan. ANG PAGBABALIKAN NG BAILONA!!!! CAPSLOCK PARA DAMA!!!"

Nagtawanan kaming lahat pero hetong tatlo ayaw na ayaw talagang magkabalikan kami.

"Alam niyo kayong tatlo kapag naghiwalay kayo ng mga boyfies niyo, tututol din kami ni Ailah na magkabalikan kayo", sabay irap ni Ryan sa kanila.

"Oy! 'Wag muna mang ipanalangin bakla na magbreak kami ni Zonia"

Tinapunan ba naman si Ryan ng bottled water? Tapos hetong bestfriend ang overacting ng reaksyon. Parang natamaan ng bala o sinaksak ng kutsilyo.

"We're just saying Jimboy ni Ryan na dapat magsuportahan tayo"

Nagkatinginan kami ni Bailey.

Taas-baba ang mga kilay namin at sabay kaming nagngisihan.

"Nagawa niyo pa talagang dalawa na magtawanan dyan no?", pagkainis ni Kamille sa'min ni Bailey.

"Bawal bang maging sweet?"

"BAWAL!!!!!!!!!!! KASI MASASAKTAN NA NAMAN KAYO!!!!"

"Bie kung natatakot kayo na baka sa huli magkasakitan kami ni Ylona, handa na kami do'n"

"Alam mo ang ibig sabihin ni Barbie cous"

Natahimik si Bailey.

Alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ni Barbie. Gusto ko lang talaga maging masaya kami ni Bailey. Bakit ba hindi nila nakukuha?

"Darks, suportahan na lang tayo dito. Suportahan natin si bro Bailey at bunso Ylona"

"Yes! Support kami dyan. Kung kayo na mga girlfriends namin ayaw, Kami naming mga boyfriends niyo, gustong-gusto 'to"

"Highfive tayo dyan Ken and Jimboy", pagkatuwa ni Bailey.

"Uhmm darks labas muna ako"

"Sa' ka pupunta Sofia?", tanong ko.

"Cr lang"

Tumayo ako't sinundan siya pero nawala si Sofia sa paningin ko. Didiretsuhin ko na nga lang ang cr pero bakit wala siya dito? Hahanapin ko na nga lang.

"Oy Ylowna!"

"Diego naman e"

"Ikaw kaya ang nakakagulat"

"Ay siya nga pala. Congrats sa'tin"

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Yakapang magkaibigan lang 'to.

Wala 'tong malesya sa'ming dalawa.

Sofia's POV

Naglalakad ako pabalik ng canteen ng makita ko si Ylona na may kayakapan. The boy looks familiar.

Familiar talaga siya.

Familiar na familiar.

Ow no!!!

Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon