I dedicate this chapter to Princessyours14
Grae's POV
Second Day of Trip to Forever at ang sarap ng gising ko.
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.
Napakapayapa ng isipan ko.
Wala na kasing makakatalo sa sikreto namin ni Ylona.
Tsk! Maghahanap ako ng bwelo pero hindi pa siguro sa ngayon.
"Tol ano pang ginagawa mo dyan? Nakapasok na ang iba ho", sabi ni Nash sa'kin.
Nandito na kasi kami sa Ligñon Hill Nature Park. Ang ganda nga eh pero wala ng mas gaganda kapag nakuha ko ulet si Ylona. Sigurado ako sa kakahuntangan nila ni Bailey kapag nagkaalaman na.
"HOY GRAE!!!"
"Oh?", sabay tingin ko sa kanya.
"Kanina pa ko nagsasabi na nakapasok na sila"
"Oh tara"
Pumasok na kami sa loob pero ang sweet-sweet nina Bailey at Ylona.
Napatingin ako kay Nash.
"Selos?"
"Tumigil ka nga"
"So students kayo ng bahala kung ano ang gusto niyong gawin dito. Marami mga fun adventure na tsak magsasaya kayo at hindi niyo makakalimutan"
"Hon Zipline tayo"
Dinig ko sa sinabi ni Ylona kay Bailey.
"Ha? Takot ka 'di ba sa heights?"
"E andyan ka naman e"
Tsss ...
Nandito naman ako ha?
"Tol do'n kaya tayo?"
"Zipline na lang tayo tol"
"Ha? Ayoko nga"
"Basta zipline"
Nag-iba ang direksyon ng tingin ni Nash kaya napatingin na rin ako.
"Ahhh kaya pala magzizipline tayo? Galing!"
Ylona's POV
Nandito na kami ngayon sa taas pero kainis, bakit nandito sina Grae at Nash?
Tinaasan ako ni Bailey ng kilay pero hinatak ako bigla netong bw*sit.
"Kayong dalawa ang mauuna?", tanong ng lalaki.
"Oo boss. Dalawa kami"
"E teka lang, nakabayad na kami ng kasama ko", naiinis na sabi ni Bailey.
"E mukhang magkakaibigan naman kayo eh kaya ok lang 'yan"
"Yang babae girlfriend ko at hetong nasa tabi ko, kaibigan ko pero 'yan? HINDI KO 'YAN KILALA"
"Hindi mo ko kilala Bailey?"
Sinindakan ko siya kaya natahimik si Grae.
"Dalawa na lang sila sir kasi nalagyan na namin sila ng safety belts"
Natahimik na lang si Bailey.
Bailey's POV
Bw*sit!
Nakakainis!
Kung demonyo lang talaga malamang naitulak ko na si Grae.
"Ok lang 'yan Bai. Ang importante kayo ni Ylona"
BINABASA MO ANG
Love is When We're Together (LIsJAW BOOK 2 -COMPLETED)
Roman pour Adolescents"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Tandaan mo lang ang mga pinangako ko" "Dapat more on trust tayo kesa sa love kasi love is just a word but trust builds the relationship better and stronger" Pa'no kung may dumating at bumalik? Now we're together...