Ilang araw na ang nakalipas matapos ang nangyari ng gabing yun.. Napagalitan si glaiza ng mama nya pero hinayaan nya lang iyon dahil naging masaya naman sya nung gabing yun..
Pumapasok na si glaiza, dahil nagagalit si rhian kapag hindi sya pumapasok kaya naman nagbago na sya, nagtino na sya sa pag aaral.. naging inspirasyon nya si rhian..
Masaya sila ni rhian.. makita palang ni glaiza si rhian ay kinikilig na sya.. ganun din naman si rhian..
Kasalukuyang nasa school sila ngayon..
"Love.. magkikita kami ni jason mamaya.. pupunta ako sa condo nya.. kakausapin ko na sya.."-si rhian habang nilalaro ang mga daliri ni glaiza
"Sige love.. mag iingat ka ok? Baka saktan ka nya love.. gusto mo samahan na kita?"-si glaiza na nagaalala para kay rhian dahil naiisip nya baka sa galit ni jason ay masaktan nito si rhian
"Hindi na love.. ako nalang.. Knowing jason hindi nya ko magagawang saktan kaya hwag kana mag alala.."-tinignan sa mga mata si glaiza at hinawakan ito sa dalawang pisngi..
"Ok.. basta mag iingat ka.. itext mo ko or tawagan mo ko.."-G
"I will love.. after that magiging official na tayo.."-kiss sa mga kamay ni glaiza
A/n: bilisan ko na yung oras..✌
Time runs..
Nagddrive na si rhian papunta sa condo ni jason.. malapit lang ito kaya naman ilang minuto lang ay nandon na sya.. pinark nya ang kotse nya.. humugot sya ng malalim na buntong hininga bago bumaba ng kotse..
'This is it rhian.. kaya mo yan.. para kay glaiza..'-sambit ni rhian sa sarili
Pumasok na sya sa loob ng building at sumakay na ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang room ni jason..
Nasa tapat na sya ng pintuan at biglang bumukas ito..
"Hey baby.. kanina ka pa dyan? Hihintayin na sana kita sa baba eh.. come in baby.."-J
"Hindi.. kakadating ko lang.."-pumasok na sya sa loob
"Gusto mo bang magpadeliver ako ng pizza?"-J
"Hindi na jason.. di rin ako magtatagal.. may gusto lang sana akong sabihin sayo.."
"Mamaya na yang sasabihin mo.. kumain muna tayo.."-J maglalakad papuntang kusina
"No jason.. makikipaghiwalay na ko sayo.."
"What? Why? No!"-galit na sabi ni jason at humarap ito kay rhian
"Ayoko na jase.. please.."
"Hindi mo na ba ko mahal? May iba na ba?"-Jason na ngayon ay umiiyak na
Tumango naman si rhian bilang tugon dito.. at nagbaba ng tingin kay jason..
"Sino? Si glaiza ba?!!"-galit na tono nito at umiiyak parin
"I'm sorry jason.. iniwasan ko naman eh.. kaya lang hindi ko talaga kayang hindi sya mahalin.. i'm sorry.. sana mapatawad mo ko.."
Niyakap sya ni jason..
"No baby please.. please rhian.. wag mo naman akong iwan.."-Umiiyak parin na si jason
"I'm sorry jase.. kailangan na talaga nating maghiwalay.. i'm sorry.. i have to go.."-kumawala sya sa yakap ni jason at tumalikod na sya dito
"Tandaan mo tong ginawa mo rhian! Tandaan nyo ni glaiza tong ginawa nyo sakin! Sinisigurado ko sayong di kayo magiging masaya ni glaiza!"-galit na Pagbabanta ni jason
BINABASA MO ANG
As Long As I Am With You (COMPLETED)
FanfictionCharacters Glaiza Galura Rhian Ramos A.N//salamat sa mga magagandahan, salamat din sa mga hindi magagandahan.