Biglang napaisip si Rhian.. mauuna nga pala syang makagraduate kay Glaiza dahil nagloko nga pala ito noon sa pag aaral.. maiiwan niya pala ang girlfriend niya.. parang ayaw niya pa tuloy makagraduate dahil ayaw niyang maiwan si Glaiza, dahil kahit alam ng iba na lesbian ito ay marami parin nagkakagusto dito.. mapababae man o lalaki.. kaya naman ayaw niya, dahil hindi niya mababakuran ang girlfriend.. ayaw niyang may ibang nakatitig dito gusto niya sya lang.. ayaw niyang may umaaligid dito..
Habang nag tatawanan ang squad, heto si Rhian may sariling mundo..(hahaha) Ng biglang may lumapit sakanila..
"Hi Glaiza.."
"Oh Felix? Hi.."-Glaiza
"Uhm.. Glai sabay na tayo pumasok sa first class natin.."-Felix
Habang may sariling mundo si Rhian dahil nagiisip sya na kung paano mababakuran ang girlfriend pag nakagraduate na sila heto at natauhan sya ng may biglang lumapit sakanila at binati ang girlfriend niya.. nag hi palang ito sa girlfriend nya parang gusto niya na itong sipain papalayo kay Glaiza.. di pa man din sya nawawala sa tabi ng girlfriend at heto nga may umaaligid na dito paano pa kaya kung wala sya sa tabi nito..
"Tara na Glai sabay na tayo.. ako na magbibitbit ng mga gamit mo.."-Felix
Tumingin naman si Bianca kay Rhian at knowing her bestfriend alam na niya ang mangyayari.. at napaisip sya ng 'oh no... trouble.. kuya umalis ka na kung gusto mo pa mabuhay..' napatingin din ang squad kay Rhian at di nga sila nagkamali pinapatay na ng mga tingin ni Rhian si Felix..
"No!"-madiin na pagkakasabi ni Rhian at napatingin silang lahat dito
"Mauna kana pumasok.. hindi sasabay sayo ang girlfriend ko.. ihahatid ko sya.."-Rhian
"Ha? Hindi mo naman hinahatid si Glai ah.. may klase pa tayo Rhi.."-si Wila na umiral nanaman ang pagka engeng (hahaha)
"Sorry Felix.. mauna ka na.. ihahatid ako ng girlfriend ko.."-Glaiza
"Ganun ba? Edi sasabay nalang ako sainyo.."-Felix
"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ng girlfriend ko? Mauna ka na.. tagalog na tagalog di mo maintindihan? Hindi sasabay sayo ang girlfriend ko.."-Rhian
"Ah ok.. kita nalang tayo sa room Glaiza.. buti nalang magkatabi tayo.."-Felix at iniwan na ang squad
Hinatid nga ni Rhian si Glaiza.. sasamahan pa sana sya ng squad pero tumanggi sya dahil ayaw niyang madamay sa pagiging late ang mga ito..
"Love, di mo na ko kailangan ihatid.. kaya ko naman love eh.."-Glaiza
"Bakit? Sino ba gusto mo maghatid sayo? Yung Felix na yun??"-inis na sabi ni Rhian dahil nawala ito sa mood kanina noong biglang sumulpot si Felix
"Ofcourse not Mahal ko.. ano ka ba? Ang akin lang kasi may klase ka din at baka malate ka.. yun lang naman yung ibig kong sabihin love.."-Glaiza
"Ok lang kahit malate ako.. mas gugustuhin kong malate kesa makasabay mo yung Felix na yun.."-Rhian
"Nagseselos ka ba love?"-Glaiza
"Ako? Ofcourse not! Oh nandito ka na sa room mo.. at look mukang hinihintay ka niya at magkatabi pa talaga kayo.. sige, makipag harutan ka ha!"-Rhian
"Ano ka ba love? bakit ka ba ganyan? Hindi ako makikipagharutan dun.."-Glaiza
"I'm sorry love.. please? Kung kailangan wag kang makipag usap sakanya, at kung di naman kailangan na mag usap kayo, please love wag kang makipag usap dun.. nararamdaman ko na may gusto sayo yung mokong na yun.. ayoko ng gantong pakiramdam.. ayoko ng nagseselos ako.. kaya please? Stay away from him.."-Rhian
BINABASA MO ANG
As Long As I Am With You (COMPLETED)
FanfictionCharacters Glaiza Galura Rhian Ramos A.N//salamat sa mga magagandahan, salamat din sa mga hindi magagandahan.