" Ma'am Glaiza may bisita po kayo.."-Kasambahay
Lumingon sila kung sino ang bisitang nakatayo sa may bandang likuran nila.. biglang tumulo ang luha ni Glaiza sa kung sino ang nakikita niya ngayon..
"Papa?? Alchris??"-si Glaiza na biglang takbo sa mga ito at napayakap habang umiiyak
"Merry Christmas anak.. pagpasensyahan mo na ang Mama mo.."-Mr. Galura
Niyakap lang ito ni Glaiza dahil namiss nya talaga ang mga ito kahit pa hindi sya maipagtanggol nito sa Mama niya..
"Mr. Howell, Mrs. Howell.. pasensya na po kayo sa ginawa ng asawa ko sa anak ninyo.. nahihiya po ako sainyo dahil po sa ginawa niya.."-sincere na sabi ni Mr. Galura
"Maupo kayo dito at saluhan ninyo kami.. manang pakiasikaso po ang mga bisita.. salamat.."-Mr. Howell
At inalalayan naman ni Glaiza ito palapit sa mga Howell.. at pinaupo ito sa bakanteng upuan..
"Kalimutan nanatin ang nangyaring yun Mr. Galura.. wag nalang sana maulit ang mga ginawa niya sa mga bata.."-Mr. Howell
"Salamat po sainyo at mukang dito pa napabuti ang aking anak na si Glaiza.."-Mr. Galura
"Anak na rin ang turing ko dyan kay Glaiza kaya wala kang dapat ipag alala habang narito sya sa puder ko.. sige na at kumain na tayo.."-Mr. Howell
Masaya silang kumain sa hapag kainan habang kasalo si Mr. Galura.. mabait pala talaga ito hindi katulad ng asawa niya.. pagtapos kumain ay nagkwentuhan sila.. kwentuhan dito, kwentuhan don.. at nagpaalam na itong umuwi..
"Mag iingat kayo Mr. Galura.."-Mrs. Howell
"Salamat.. salamat po sainyo.. Rhian salamat sayo hija at napakabait mo at ng pamilya mo.."-Mr. Galura
"Salamat din po.."-si Rhian at agad yumakap ito sa Papa ni Glaiza
Nagpaalam na ang mga Howell kay Mr. Galura.. pagtapos ng paalamanan nila ay pumasok muna ang mga ito sa loob ng bahay at iniwan muna ang mag ama..
"Anak.. patawarin mo ko kung hindi man lang kita maipagtanggol sa ina mo.. naging sunud sunuran lang ako sakanya.. sana anak hindi mo pa sinasara ang puso mo saamin lalo na sa mama mo.."-Mr. Galura
"Naiintindihan ko kayo Papa.. umaasa parin ako na balang araw ay mamahalin ako ni Mama at matatanggap niya kami ni Rhian.. mahal na mahal ko po kayo Papa, pati narin si Mama.. kaya naman lahat ng gusto niyo ay sinunod ko.. pero this time Pa, di ko kayang iwanan si Rhian para lang sa gusto ni Mama.. sana naiintindihan niyo rin po ako.."-Glaiza
"Mahal ka ng Mama mo anak.. bigyan mo lang sya ng konting panahon pa.. ako anak, tanggap ko kayo ni Rhian.. teenager ka palang ay alam ko na kaya naman noon palang ay tinanggap ko na.. at anak.. mana ka kay Papa, ang galing mo pumili.. maganda ang girlfriend mo.."-biro ni Mr. Galura
"Hahaha.. syempre naman Pa.. salamat po ulit.. sana sa susunod ay kasama niyo na si Mama.. umaasa parin ako Papa.. salamat po sa pagtanggap samin ni Rhian Pa.."-Glaiza
"Mahal na mahal ka ni Papa anak.. lagi mong tatandaan yan.. oh sya sige na, aalis na kami ng kapatid mo.. alagaan mo ang sarili mo at ang girlfriend mo.. mag iingat kayo lagi.."-Mr. Galura
"Opo Pa.. Mahal na mahal ko rin kayo ni Mama at ni Alchris.. mag iingat din po kayo.."-si Glaiza na niyakap ang ama at hinalikan sya ng ama sakanyang noo..
Humalik at yumakap sya sa kanyang ama at sa kapatid niya.. kahit papaano ay Naibsan ang lungkot na nararamdaman niya para sa kanyang pamilya.. napakasaya ng Pasko niya.. nandyan ang Howell famiy niya, nadagdagan pa ng pagdalaw ng Papa at kapatid niya..
BINABASA MO ANG
As Long As I Am With You (COMPLETED)
FanfictionCharacters Glaiza Galura Rhian Ramos A.N//salamat sa mga magagandahan, salamat din sa mga hindi magagandahan.