CHAPTER FOURTY

52 2 0
                                    

"ATE, saan ka pupunta?" Tanong ng kapatid kong si Tommy paglabas ko ng kwarto habang prente itong nakaupo sa isa sa mga upuan sa sala at nanonood ng One Piece. Marahil ay hiniram pa nito ang dvd sa classmate nito.

"Bakit?"

"Ako unang nagtanong."

Salbahe talaga 'tong kapatid ko na 'to.

"Aattend ako ng birthday. Bakit po?"

Nilingon ako nito. "Ipagbalot mo 'ko, ha? Samahan mo na rin ng drinks." Tumaas-baba pa ang dalawang kilay nito.

"Heh! Puro ka katakawan. Tapusin mo na yang pinapanood mo at pumasok ka na sa kwarto mo at matulog. May pasok ka pa bukas."

"Ayoko nga." Mabilis na sagot nito. "Maaga pa saka maganda 'tong pinapanood ko."

Hindi ko na ito pinansin dahil hindi rin naman ito magpapapigil. Sumilip ako sa bintana at tiningnan kung nandoon na si Suho. Katatawag lang kasi nito at sinabing on the way na ito para sunduin ako.

Birthday nga pala ng kambal. Ayoko sanang umattend dahil malaki ang possibility na nandoon rin si Kris at magkita kami. 'Yun ang iniiwasan ko. Paano na makaka-move on ang puso ko kung ganon?  Kaya lang mapilit ang mga ito at sobrang kulit pa ng kambal na halos pagbantaan na ako.

Tinigilan ko na nga pala pakikibaka ko na makausap si Kris. Wala rin naman kasing nangyayari eh. Yung huling tangka ko na kausapin ito, sakit lang sa puso ang inabot ko. Ilang baldeng luha rin ang naubos ko dahil sa tagpo na 'yon.

Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi ko.

Tigilan mo na 'yang kwento mo, Tiffah. Matagal ng may 'The End' yan.

"Ate taba, bakit hindi na nagpupunta dito 'yung boyfriend mong suplado?"

Nilapitan ko ito saka kinutusan. "Aray naman!" Reklamo nito.

"Huwag kang tsismosong bata ka."

"Ma! Si ate nananakit!" Sigaw nito.

Nakita kong may magpark na sasakyan sa harapan ng bahay namin. Saka naman syang labas ni mama buhat sa kusina, mabilis na akong lumabas ng bahay.

"Alis na ako 'ma!"

Siguradong pagagalitan ako non dahil kinutusan ko ang kapatid ko. Ayaw na ayaw non na nagkakasakitan kaming magkapatid. Minsan may kalokohan rin si mama pero istrikto ito pagdating saming magkapatid. Narinig kong tinatawag ako ni mama pero tuloy-tuloy pa rin akong lumabas.

"Uuwi po ako, promise!" Sigaw ko pa.

Lumabas buhat sa driver's seat si Suho saka kumaway ng palapit na ako.

"Ready?"

Nakangiti na naman ito. Parang hindi yata talaga ito marunong sumimangot eh.

Tumango ako saka mabilis na sumakay sa passenger seat. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako nito ng pinto. Naiiling na lang na sumakay ulit ito ng sasakyan.

***

Twin's house...

Kinakabahan ako pagpasok namin ni Suho sa gate ng malaking bahay ng kambal. Sobrang ganda ng garden nila at lalo pang naging makulay dahil sa mga ilaw na nakapaligid dito. Pero natatalo ng kaba ko ang ganda ng paligid.

Perfect sana para magselfie...

"Let's go. Nasa poolside na raw silang lahat." Sabi ni Suho saka nilagpasan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon