CHAPTER TWENTY SEVEN

88 1 0
                                    

KRIS's P.O.V

SUNUD-sunod na nagpasukan sila BK, CY, Kai, Sehun, Tao at Luhan o Yuhan yata sa kwartong tinatambayan namin sa loob ng Elite International habang nanonood ako sa tv. Dati ay extention room ito ng office ni daddy pero dahil madalang ng gamitin at malaki naman ang office nya, pinaayos nya ito para maging pahingahan, na naging tambayan na rin namin dahil palagi nila akong binubulabog. Tulad na lang ngayon. Papasok na lang ba naman nagkakaingay pa. Nagbi-beatbox si CY na sinasabayan ng kung anu-anong mga tunog ng mga kasama nito.

"Pwede nyo bang tawagan si Marcus?" sabi ni BK saka sumalampak sa sofa na katapat ko.

"Why?" tanong ni Sehun sabay bukas ng ref at naghalungkat roon. Ang iba ay nagkanya-kanya na ng upo sa kung saan.

"Pakiramdam ko kasi nabawasan ang utak ko sa hirap ng lesson namin kanina. Papabuksan ko lang itong ulo ko at ipapakilo ko ang utak ko."

"Ako na lang ang magbubukas ng ulo mo, gusto mo?" tanong ni CY sabay taas ng isang kamay na may hawak na kutsilyo at orange naman sa kabila.

"Halika at magbukasan tayo ng ulo."

"Ano ba 'tong pizza mo, Kris, ang tigas. Bakit ba kasi nandito 'to sa ref?" reklamo ni Kai pero nilalantakan naman ang pizza na hawak.

"Dahil alam kong magrereklamo ka kaya dyan ko inilagay." sagot ko habang nakatutok pa rin ang mata ko sa pinapanood ko na hindi ko na maintindihan buhat ng dumating sila.

"Masarap naman, Kai. Hingahan mo na lang para mainitan." sabi ni Tao na nanginginain rin katabi nito.

"Ano'ng palagay mo sa hininga ko, microwave? Sapakin kita dyan eh."

Malakas na natawa si Tao na naging dahilan kaya nabulunan ito. Nagtawanan silang lahat except sakin.

"Kulang yata kayo? Nasaan 'yong iba?" tanong ko maya-maya.

"Bumili ng pagkain sila Chen, Xuimin at Lay. Kulang 'yong pagkain mo sa ref, eh. Alam mo namang parang vacuum ang mga bituka ng mga 'yan kung humigop ng pagkain. Pero susunod rin ang mga 'yon rito." sabi ni CY na umani ng batikos mula sa mga kasama nito dahil sa sinabi nito.

"Si Suho nga pala? Hindi ko pa siya nakikita." si Sehun.

"Busy si Suho." si Luhan o Yuhan yata ang sumagot. Kaya pala hindi nagsasalita ay solo nitong nilalantakan ang isang box ng chicken nuggets na hindi naubos ni Sky kanina.

"Teka, sino ka muna?" tanong ko rito para makasigurado kung sino ang kausap namin.

"Luhan."

"Luhan? Eh, sino 'yong nagpapractice ng soccer do'n sa soccer field ng dumaan ako kanina? Pinagloloko nyo na naman kaming kambal ka'yo." sabat ni Tao.

"That's Yuhan. Nagpalit kami. Gusto raw nyang magtry mag-soccer kaya pumayag ako. 'Yon ang totoo at hindi namin kayo niloloko" bale-walang sagot nito.

"Lumang tugtugin na 'yan. Huwag kayong maniniwala dyan." si BK.

"So, saan naman busy si Suho?" walang ganang tanong ko rito habang nakapangalum-baba sa armrest na kinauupuan ko.

"May dinidigahan. Nagbibinata na, eh."

"Dinidigahan? Ano 'yon?" si Tao.

"Pinopormahan. Sinusuyo. Nililigawan. Hindi mo alam 'yon?"

"Hindi. Saang tribo ba galing ang salita na 'yon?"

"Tumahimik ka na lang, Tao. Lagi ka namang walang alam eh. Doon ka na lang sa isang sulok at magsisipa ka na lang do'n kasama ng baston mo." pang-aasar rito ni CY.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon