CHAPTER THIRTY SIX

50 1 0
                                    

KRIS'S P.O.V

"Pinapatawag po kayo ni Director, sir Kris," mahinang sabi sakin ng isa sa bodyguard ni daddy ng lumapit ito sa buffet table na kinaroroonan namin ni Tiffah.

Saglit ko itong sinulyapan. "Where is he?" mahinang sabi ko rin.

"Nasa library po sila ngayon."

Napakunot ang noo ko. "Sila?"

"Opo, sir Kris. May dumating po kasing bisita at kausap sila ngayon ni Director at ng mommy nyo."

"Okay."

Pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ito at umalis.

"Problem?" tanong ni Tiffah.

"Nothing serious, babe," matipid na sagot ko saka kinuha ko sa kanya ang plato ng pagkain. "Ihahatid muna kita sa mesa nila Luhan."

"Hindi ka muna kakain?" takang tanong nito habang patungo kami sa mesa ng ibang mga kaibigan ko.

"Later. Pinatatawag lang ako nila daddy. Kumain ka na habang hinihintay mo 'ko."

Hindi na ito sumagot hanggang sa makalapit kami sa mesa na kinaroroonan nila Marcus, Suho, Tao, Xuimin, Lay at ng kambal. They're on their table busy munching on their food.

"Luhan, dito muna sa inyo si Tiffah, pinapatawag lang ako nila daddy." sabi ko pagkalapit namin.

"Tiffah?" saka sinipat pa nito si Tiffah sa tabi ko. "Wow! Muntik na kitang hindi makilala. You looked...different. Mas maganda ka pa pala kapag naaayusan." manghang sabi ng kambal sa kaliwa ko so I assume na ito si Luhan since ito ang unang sumagot.

"Kami na munang bahala sa kanya," sabi naman ng kakambal nito.

Ipinaghila ko ng silya si Tiffah. Inalalayan ko itong makaupo at ng tumingala ito sakin ay sinalubong ko agad ng halik ang mga labi nito. Alam kong mag-uusisa ito.

"I'll be right back. Kumain ka lang, okay? Huwag kang titingin sa ibang lalaki rito, naiintindihan mo?" Sabay hawak sa kamay nito.

"Kahit sa amin?" sabat ni Luhan.

"Kahit sa kambal."

"Damot mo naman."

"Huwag ka ring makikipagsayaw sa ibang lalaki rito. Magkakagalis ka."

"Hey, ang gross mo naman!" angal ni Suho.

"Lalo na kay Suho."

Nagtawanan ang ibang nasa mesa pero hindi si Tiffah. Mukhang disoriented pa ito sa halik na ibinigay ko kahit na tumango ito.

"Hindi ako magtatagal," isang marahang pisil sa kamay nito ang ibinigay ko bago ako tuluyang tumalikod at umalis.

Habang papasok ako sa mansyon ay iniisip ko pa rin kung sino ang mga bisitang dumating para ipatawag pa ako nila mommy ay daddy.

"Damn!" napamurang sabi ko ng may bumangga sakin. Sa lakas ng impact no'n ay halos matumba ako kung hindi lang naging mabilis ang mga reflexes ko. Mukhang ganoon din ang nakabangga sakin dahil mabilis akong inalalayan nito sa katawan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa coat ko para hindi ako tuluyang bumagsak sa bermuda grass.

"Sorry po," matipid na sabi nito. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nakayuko ito.

Mabilis namang nakalapit samin ang mga bodyguard na nakakalat sa paligid. Agad nilang inihiwalay sakin ang nakabanggaan ko at tinulungan akong makatayo ng maayos.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon