CHAPTER TEN

82 1 0
                                    


🎶 It's going down

I'm yelling timber

You better move

You better dance

Let's make a nigjt

You won't remember

I'll be the one, you 🎶

Todo kanta ko na may kasama pang sayaw habang naliligo ako sa banyo. Sabado ngayon, kaya pwede akong magbabad at magtagal sa paliligo. Pero maya-maya lang ay may kumakalampag na sa pintuan ng banyo. Napatigil ako sa pagkanta.

"Ate! Bilisan mo namang maligo! Naeebak na 'ko! " ang kapatid ko pa lang si Seth. Kulang na lang ay gumiba ito ng pinto sa lakas ng pagkatok nito.

"Sandali na lang ako. " sagot ko habang nagsasabon ng katawan.

"Kanina mo pa yan sinasabi, ate. Thirty minutes na 'kong naghihintay dito sa labas ng pinto. " angal nito.

"Oo, lalabas na!"

"Lalabas na rin 'tong tae ko! "

Binilisan ko na ang pagbabanlaw at agad na nagtapis ng twalya. Sa banyo na talaga ako nagbibihis pero dahil gagamit ito ng banyo ay doon na lang muna ako magbibihis sa kwarto ko. Baka doon pa ito magkalat sa labas.

Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto at pumasok na agad si Tommy sa loob at malakas na isinara iyon. Duming-dumi na siguro ang loko. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko at nagbihis.

Matapos kong magbihis ay heto na ako ngayon sa harap ng tv sa sala, ngumangata ng chicharon ni Mang Juan habang nanonood ng paborito kong cartoons na Ogie and the cockroaches. Namiss ko ang kakulitan ng tatlong ipis na iyon dahil hindi ko naman sila napapanood kapag school days. Tuwang-tuwa ako sa kakulitan nila at sa kamiserablihan ni Ogie na hindi ko alam kung anong klase ng pusa.

"Ate. " umupo si Seth sa kabilang dulo ng sofang inuupuan ko. Tapos na pala ang meeting nito sa White House.

"Oh? " sagot ko habang aliw na aliw ako sa pinapanood ko. Sarap tapakan ng tatlong ipis na 'to.

"Sino yung naghatid sa'yo kahapon? " nabitin ang pagsubo ko ng chicharon.

"Paano mo naman nalaman yon, bata? Nauna akong umuwi sa'yo, ah. "

"Kay Aling Ising. Tinanong nya kasi ako kanina ng utusan ako ni Mama na bumili ng toyo sa tindahan nya. "

"May pagka-tsismosa rin pala si Aling Ising kung minsan. " saka ngumata ulit ako ng chicharon.

"Sino nga 'yong naghatid sa'yo, ate? Nakita rin iyong ng mga kapitbahay natin kaya pati sila panay din ang tanong sa'kin. "

"Sus, si Riccu lang yon. Hindi ba hinahatid naman ako non minsan? " kilala na rin ng mga ito ang kaibigan ko. Pero biglang pumasok na naman sa isip ko ng ihatid ako ni Cloud kahapon.

Ang bwisit na Cloud na 'yon, nakarating na kami sa tapat ng bahay namin ay hindi pa rin nito sinabi ang dahilan ng mga inakto nito kahapon, pero sa halip ay inasar-asar pa 'ko.

"Dito na ba ang bahay nyo? " tanong nito sabay silip sa bintanang nasa tabi ko at tiningnan ang nasa labas.

"Ay hindi. Doon pa sa kabilang kanto ang bahay namin. Kaya tayo nakahinto ngayon dito para makababa na 'ko at lalakarin ko na lang hanggang kabilang kanto. Sayang naman ang gasolina nitong sasakyan mo. " panunuya ko rito. Kahit sa pamamagitan man lang noon ay makaganti ako sa mapga pang-gogoyo nito sa'kin.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon