CHAPTER TWO

107 2 1
                                    

Matapos ang mahaba at masalimuot na paglalakbay ay nakarating din ng Elite International si Maze. Ang exclusive school for the richest at siyang pinakamahal na international school sa bansa. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay anak ng mga high profile personalities, multi-billionaire businessmen, politicians, artists at maging taga-ibang bansa ay dito din nag-aaral. Lahat na yata ng biyaya sa kababaihan ay dito makikita dahil karamihan ng populasyon dito ay lalaki.

Hindi rin matatawaran lahat ng facilities ng school. May elevator at air conditioned ang bawat building at classroom. May malaking sports complex kung saan matatagpuan ang basketball court, tennis court at iba pang indoor sports. Mayroon ding dalawang malaking outdoor swimming pools at soccer field. Mayroon din itong sariling hospital para sa mga medical courses na siya ring nangungunang ospital sa bansa. Kung pagmamasdan ang kapaligiran ay masasabing hindi birong halaga ang inilaan para maitayo lamang ang eskwelahang iyon. Bawat bahagi ay nagpapakita ng karangyaan. Maging mga halaman yata at damong nakatanim sa buong campus ay ginastusan.


Ganun pa man balewala lamang kay Maze kung gaano man karangya ang nakapaligid sa kanya. Narito sya para mag-aral at iyon ang syang pinakamahalaga sa lahat. Para sa kanya, isang prebilehiyo ang makapasok at makapag-aral doon sa katulad nyang 'di naman nakaka-angat sa buhay. Laking pasasalamat na lamang nya at sya ang napiling makakuha ng scholarship pagkatapos nya ng highschool bilang valedictorian. Taun-taon kasi ay kumukuha ang Elite ng scholar para sa kanilang scholarship program at hindi madali ang mapabilang sa mga pamimilian dahil sa taas ng standard nila. Daig pa nya ang nanalo sa lotto ng makatanggap sya ng sulat buhat sa nasabing school na nagsasabing siya ang napili nilang scholar para sa taong iyon. Sa sobrang tuwa pa nga nya ay napilayan sya sa kanyang kanang paa dahil talon sya ng talon. Ganon sya ka-clumsy. At ngayon nga ay nasa fourth year college na sya para sa kursong Banking and Finance.


Huminto sya sa entrance gate ay itinapat nya sa scanning machine ang kanyang school id para ma-check ang code dahil lahat ng estudyante roon ang may sariling code para na rin sa kaligtasan ng bawat isa ayon na rin sa rules ng school. Nang matapos ay patakbong tinungo nya ang Business Administration building tsaka tiningnan ang suot na wrist watch.


20 minutes left.....

Puteek! Sa susunod titigilan ko na talaga yung five minutes ritual ko kundi mapapahamak pa 'ko 'pag nagkataon.Sobrang strict pa naman ni Ms. Facundo. Parang nagkatawang-taong version ni Ms. Minchin!' sabi nya sa isip nya habang patuloy sa pagtakbo at mahigpit ang hawak sa reaction paper nya.

Hindi nya agad napansin na may trash can pala sa kanyang daraanan kaya huli na para umiwas kung kaya't tumama ang kanang binti nya rito.

"Arayyyyy! " impit na daing nya habang nakahawak sa nasaktang binti.

"Na naman. Malaki talaga ang galit mo dyan sa trash can ano, Maze? " naiiling na sabi ng isa sa mga maintaining staff ng school.

"Manong Ben naman eh. Bakit po ba kasi palagi na lang nakaharang yang paborito nyong trash can sa tuwing daraan ako dito? Hindi pa nga po magaling yung pasa ko kahapon may asawa na agad ngayon. Gusto nyo po yatang manganak pa 'to at maging isang pamilya na. Kayo yata ang may galit saken eh. Siguro gusto nyong mapingasan ang flawless kong legs noh? " biro nya dito.

"Ikaw talagang bata ka, kayrami mong sinabi. Bakit kasi dito ka palagi dumadaan eh nandoon ang pathway. Hayan tuloy nadidisgrasya ka palagi ," panenermon nito habang itinatayo ang trashcan.

"Male-late na po kasi ako Manong Ben at tsaka dito lang po ang pinakamalapit na way papuntang building namen. Alam nyo naman pong mala-hacienda ang school na 'to " sagot nya.

"Mag-iingat ka na sa susunod. Para ka pa namang wala sa sarili mo palagi ".

"Nakakalimutan ko po kase Manong Ben. Sige po, maiwan ko na po kayo ha? Male-late na po kasi talaga ako eh. Paalam! " kumakaway pang sabi na parang si Dora the Explorer tsaka tumalikod na at tumakbong tinungo ang kanilang building na natatanaw na nya.

Nang makarating sa kanilang building ay dumeretso agad sya sa may elevator para mas mabilis na makarating sa kanyang classroom. Pero nasa kanya na yata talaga lahat ng kamalasan dahil pagdating nya doon ay marami ring estudyante ang naka-abang. Umayos sya ng tayo dahil nakatingin sa kanya ang mga poised na poised na babaeng iyon.

"Ahmm, magha-hagdanan na lang pala ako " naiilang na sabi nya tsaka mabilis na tinungo ang hagdanan. Hindi sya pwedeng mag-aksaya ng oras dahil nasa fifth floor pa ang classroom nya.

Buti na lamang at sya lang ngayon ang tao ngayon doon kaya patakbo nyang inakyat ang bawat baitang. Kung tutuusin , sya nga lang yata ang gumagamit ng hagdanan sa school na yon.

"Hay, ang mayayaman nga naman. ' Di bale, exercise din 'to " bulong nya sa sarili.

Hingal - kabayo na sya pagdating nya ng fifth floor. Marami na ring estudyante sa hallway na marahil ay naghihintay rin ng kanya- kanyang klase. Pero napansin nyang nasa gilid lang lahat ang mga ito at tahimik lang na nakamasid sa kung saan. Kadalasan kasi ay maiingay ang mga ito habang hindi pa dumarating ang professor. Pero hindi na nya pinagkaabalahan pang alamin kung ano ang nangyayari dahil one minute na lang at mag-uumpisa na ang klase nya.

"Siguradong nandoon na si Ms. Facundo " sabi nya sa sarili nya habang nakayuko dahil inaayos nya ang uniform nya habang mabilis pa rin ang mga lakad nya. " Bakit ba kasi ganito ang uniform dito? Dinaig pa namin yung nasa anime ah. Mainam rin sana kung nagi-snow rin dito para cool " patuloy na bulong nya habang nakayuko pa rin at  inaayos ang palda nyang hanggang kalahati lang ng hita nya ang haba.

"Gosh! Magkakabanggaan sila. Bakit ayaw nyang lumihis?!".

Nadinig nyang sabi ng isa sa mga nasa paligid nya pero patuloy pa rin sya sa mabilis na paglakad. Ilang sandali pa kasabay ng malakas na pangsinghap ng lahat ng mga tao sa paligid nya ay ang pagtama naman nya sa isang matatag na bagay. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay kumawala sa mga kamay nya folder na hawak nya at humagis iyon sa ere. Sa lakas ng impact nya sa pagtama nya sa kung saang bagay ay nawalan sya ng balanse at siguradong babagsak sya sa sahig anumang oras. Pumikit na lang sya at hinintay ang nalalapit na pamamaalam sa mundong ibabaw.

"Lord, patawad po... ", usal na dasal nya habang mariin pa ring nakapikit.

Nang bigla na lamang tumahimik ang buong paligid nya. Hinintay nyang manakit ang buong katawan nya pero bakit wala siyang maramdaman. Tsaka baki parang may mainit na bagay syang nararamdaman sa kanyang katawan? Ganon ba ang pakiramdam ng patay na? Dahan- dahan nyang iminulat ang mga mata at natulala na lamang sya sa nabungaran nya sa kanyang harapan.

Pakiramdam nya ay naglaho lahat ng nasa paligid nya at ang tanging nakikita na lamang nya ay ang nilalang na nasa kanyang harapan habang hapit sya sa kanyang beywang at malapit na malapit sa kanya. Ang mga matang iyon... Ngayon lang sya nakakita ng kulay asul na mga mata na parang iiyak palagi. Kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay ang dahan - dahang pagbagsak ng reaction paper nya sa kanila na parang slow motion.

"NASA... LANGIT NA BA AKO??? "

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

A/N

now playing: I choose to love you
ulet...

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon