CHAPTER SEVENTEEN

75 1 0
                                    

TIFFAH'S P.O.V


UNTI-UNTI akong nagmulat ng mga mata. Bigla kong naalala na kasama ko nga pala si Suho. Napabalikwas ako ng bangon. Paano akong napahiga rito samantalang nakaupo ako kanina? Dumako ang tingin ko sa may piano, pero wala na roon si Suho na tumutugtog lang kanina.

Iniwanan na nya ko...

Naiinis na ginulo ko ang buhok ko.

"Haist! Nakakahiya! Natulugan ko pala si Suho..."

Napansin kong may panlalaking coat na nakatakip sa mga hita ko.

Kay Suho siguro ito...

Hinawakan ko iyon at inamoy-amoy.

"Ang bango..."

Bigla akong natigilan.

"Parang naamoy ko na 'to dati..." at inamoy ko pa ulit."Pero hindi ko maalala kung saan at kelan."

Wala akong mapiga sa memorya ko. Hayaan ko na nga lang. Hindi ko talaga maalala. Hahanapin ko na lang si Suho para maisauli ko sa kanya itong coat nya.

Tumayo na ako.

"Aaahhh!" gulat na sigaw ko dahil pagbaling ko ay may tao pala. Napaatras tuloy ako."Kris?!"

Saan siya galing? Ano'ng ginagawa nya rito?

Anak ng tatlumpu't pitong puting tupa! Hindi pa ko handang makaharap siya ngayon! Nagnanaknak pa ang puso ko. Tapos, kami lang yatang dalawa dito ngayon. Tino-torture yata talaga ako ng tadhana.

"Tapos ka na bang singhutin yang coat ko?"

Nakatayo ito sa diplay-an ng mga flute at saxophone. Marahil ay tinitingnan nito ng mga iyon kanina.

"Ha? Hindi sa'yo 'to." naitago ko sa likuran ko ang hawak kong coat.

Hinarap ako nito.

Dem! Ang gwapo talaga nya!

Pinakiramdaman ko at baka nahulog na ang panty ko. Itinikom ko rin ng mariin ang labi ko at baka maglaway ako sa adonis na nasa harapan ko. Maka-laglag panty naman kasi at maka-tulo laway ang nilalang na 'to.

Ang gross mo, Tiffah! Sigaw ng isip ko.

"So, kanino 'yan?"

"Kay Suho."

Unti-unti itong naglakad palapit sakin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"You sure?"

"Oo naman. Siya yung kasama ko rito kanina."

Patuloy lang si Kris sa paglakad at palapit na sya sakin. Napa-atras ako ng isang hakbang.

"Kanina. Sino ba kasama mo ngayon rito?" kalahating dipa na lang ang layo ni Kris sakin.

Napaatras ulit ako. Nag-uumpisa na akong kabahan. Pero patuloy lang sya sa paglapit kaya patuloy din ako sa pag-atras. Hanggang sa maramdaman ko na ang lamig ng pader sa likuran ko. Malamig na rin ang pakiramdam ko dahil sa kaba.

Dead End.

Huminto si Kris ng dalawang dangkal na lang yata ang pagitan namin. Nagsumiksik pa ko sa pader. Baka sakaling may magic iyon ay mapunta ako sa kabilang pader.

Sige push mo yan, Tiffah.

"Hmm?" sabi ulit ni Kris ng hindi ako sumagot.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon