CHAPTER TWENTY FIVE

68 1 0
                                    

"ANAK!" impit na tili ni mama ng pumasok sa kwarto ko. Kasalukuyang nakaharap ako sa salamin habang sinisipat ang sarili ko.

"Ma, ang liit-liit lang nitong bahay natin. Maririnig ko pa rin kayo kahit hindi kayo sumigaw."

"May dumating na bisita, at ang gwapo! Siya ba ang ka-date mo, anak? Mas matutuwa sana ako kung si Kris ang ka-date mo pero okay na rin sa akin ang binatang iyon. Binata pa siya, hindi ba? Ano bang pangalan nya, anak? Kasing gwapo rin kasi siya ni Kris! Isa lang ang mapangasawa mo sa dalawang naggagandahang lalaki na 'yon, pwede na akong mamaalam sa mundo."

"Ma!" saway ko rito. Nakakita lang kasi ng gwapo kung anu-ano na naman ang sinabi. Gusto ko na tuloy magduda kung ina ko ba talaga siya. "Si Suho po 'yon, kaibigan ni Kris. Gusto nyo na ba akong mag-asawa? Saka matagal pa kayong mamamaalam sa mundo, bawal po ang maingay sa langit."

"Pilya kang bata ka. Hindi ko sinabing mag-asawa ka na. " sabay hampas sa braso ko. "Suho ba kamo ang pangalan nya? Kakaiba. Anong lahi ba siya, anak?"

"Hindi ko po alam. Ang alam ko lang 'ma, pinsan nya si 'suha'."

"Soo Ha? 'Yong gwapong bida sa pinapanood kong koreanovela na I Hear Your Voice gabi-gabi? Si Park Soo Ha?"

Oo, adik si mama sa koreanovela. Pinagpupuyatan nya gabi-gabi mapanood lang ang korean actor na kinahuhumalingan nya ngayon. Sa sobrang adik nya, idi-divorce na daw nya si papa at pipikutin daw ang Park Soo Ha na 'yon. Kinabagan ako ng marinig ko ang deklarasyong iyon ni mama.

"Hindi po, 'yung puno po sa may likod bahay natin. 'Yung puno po ng 'suha'." biro ko.

Hinampas na naman ako ni mama sa braso. Mas masakit ngayon. "Pilosopo kang bata ka. Hala, labasin mo ang bisita mo. Tapos ka na bang mag-ayos?"

"Opo." nakangusong sagot ko at humarap ulit sa salamin.

"Iayos mo nga yang nguso mo. Pwede ng pagsabitan ng daing sa haba."

Umayos naman ako. Seryosong nakatingin lang sa akin si mama sa salamin. Nang biglang...

"Ang haba ng hair mo, anak!" tili na naman nito. Haist! Nakakahiya talaga kapag nadinig ni Suho!

"Ma!" saway ko na naman. "Kailangan ba talagang nakasigaw pa?"

"Natutuwa lang ako, anak! Sige na, labas na." masayang sabi nito.

Lumabas na kami ng kwarto ko ng matigil na si mama sa katitili. Daig pa ako eh. Inabutan kong nasa sala si Suho habang nakaupo sa sofa kasama ang kapatid ko. Matamang sinusuri na naman ito ng kapatid ko batay na rin sa pagkakatingin ni Tommy kay Suho.

"Tommy, baka naman malusaw na 'yang si bisita natin sa pagkakatitig mo."

"Nagtataka lang ako, ate taba. Bakit ba lahat na lang ng nagiging bisita nating lalaki, eh, mas gwapo pa sa'kin? Una si kuya Kris, tapos ngayon itong ka-date mo. I can't believed it!" umarte pa talaga ito na parang hindi hindi makapaniwala. Lakas ng tama nitong palito na 'to.

"Kahit ako hindi rin makapaniwala kung bakit umaakto ka ng ganyan. Kung pwede lumayo ka ng bahagya at baka mausog mo siya."

"Patawa."

"Ito talagang dalawang bata na 'to..." saway samin ni mama. "Nakakahiya sa bisita."

Kumislap na naman ang mga mata ng mahal kong ina habang nakangiti at nakatingin kay Suho.

"Ma, si Suho nga po pala. Kaibigan po siya ni Kris." pakilala ko kay mama. "Suho, mama ko at si Tommy, ang autistic kong kapatid."

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon