CHAPTER TWENTY FOUR

87 1 0
                                    

"TIFFAH!"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang tumatawag sakin. Plano kong magpunta ng library para doon magpalipas ng oras dahil 2pm pa klase ko. Inagahan ko lang talagang magpunta ng school, wala eh, naaning na naman ako.

"Riccu." tumatakbo ito palapit sakin. Medyo humihingal pa ito ng makalapit.

"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang wala kang naririnig."

"Talaga?"

"Ay hindi, joke lang 'yon!"

Tinampal ko ito sa braso. "Sira." Tumawa lang ito. "Bakit naglalakad ka yata ngayon? Nasaan 'yong limousine at mga men in black mo?"

"Bakit, bawal ba akong maglakad? Ginagawan ko lang ng pabor ang mga kalalakihan rito na masilayan ang kagandahan ko. Dahil mabait ako ngayon."

Umarangkada na naman ang kahanginan nito. Sabay na kaming naglakad.

"Bakit kapag kasama kita, pakiramdam ko hinahangin ako?"

"Is that a good or a bad thing?"

"Ah, never mind." napakamot na lang ako sa ulo ko. "Pupunta ka rin ng library?"

"Hindi. Pero kung doon ang punta mo, sasama ako. May hindi ka pa kasi sinasabi sakin."

Dahil naging busy ako kay kris nitong mga nakakaraang araw, naging madalang ang pagkikita namin ni Riccu. Wala pa nga pala itong alam sa muntik ko ng pagkakalunod noong nakaraang linggo. Pati na rin sa mga nangyari sa suite ni Kris.

"Hindi tayo pwedeng magkwentuhan sa library, may warning na tayo kay Mrs. Dimaguiba."

Masyado kasing mahigpit ang matandang librarian na iyon, ugali na kasi namin ni Riccu na kapag walang kailangang i-research ay nagkukwentuhan lang kami sa loob ng library. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa tenga ng matanda na 'yon dahil kahit gaano pa kahina ang boses namin ni Riccu ay naririnig pa rin nito. Dahilan para ma-warning-an nga kami. Baka bigla-bigla na lang kami nitong pagbabarilin sa susunod na mahuli kami nito.

"You're right. Sabay na lang tayong umuwi mamaya then sa bahay ka na lang magkwento."

"Sige. Dalawa lang naman ang klase natin ngayon eh."

Patuloy lang kami sa paglalakad habang nagkukwentuhan ng may biglang humarang sa daraanan namin. Ang funny girls na naman. Ano'ng sumpa na naman ba ang dala nila?

"So, nakaligtas ka pala buhat sa pagkalunod. And we heard na si Kris ang nagligtas sa'yo. No doubt, katawan mo ang ipinambayad mo kay Kris dahil doon." mapang-usig na sabi ni babaeng christmas tree.

"Well, ano pa ba ang ipambabayad nya kundi ang katawan nya? Baka nga iyon din ang ginamit nya kaya sya nakapag-aral dito eh." mataray naman na sabi ni ribbon girl.

Akala ko nung una, hindi ganoon kasama ang ugali ng mga ito ng makausap ko sila sa hallway nung araw na makilala ko si Kris, pero isa pala iyong malaking pagkakamali. Dahil habang tumatagal ay mas malala pa pala ang mga ugali nito. Gaya ngayon.

"Hindi ko ba nasabi sa inyo? Siyam ang buhay ko. Nagamit ko na ang isa kaya walo na lang. Huwag kayong mag-alala, matagal pa akong mawawala. Kaya lagi nyo pa rin akong makikita rito. At tungkol naman sa pagkakaligtas sa akin ni Kris, hindi ang katawan ko ang ipinambayad ko sa kanya."

Ano'ng akala nila sa katawan ko, one thousand peso bill?

"Hindi mo talaga naiintindihan, noh?" ngumisi pa si babaeng christmas tree. "This photo explains your dirty little secret." itinapat pa nito sa mukha ko ang cellphone nya. As in sa mukha ko talaga at halos maduling na ako. Pero nakita ko pa rin ang kuha namin ni Kris na nasa sofa.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon