CHAPTER FOUR

103 1 0
                                    

" WHAT'S happening here? "

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Isa sa mga professor ng school. Nang makita ng mga ito kung sino iyon ay dali-daling nagsipasukan ang mga ito sa loob ng classroom. Classmates pala yung apat na hibang na yun naisip nya.

"Ahm, good morning, Mr. Pascual", bati nya rito. Naiintindihan nya kung bakit ganon na lang ang reaksyon ng mga babaing iyon kanina. Terror rin kasi ito. Alam nya iyon dahil minsan na nyang naging professor ito sa isa sa mga subject nya noong nasa second year pa lamang sya. Kung gaano kagwapo at kaamo ang mukha nito at kabaligtaran naman iyon pag nasa loob na ito ng classroom. Parang nag-iiba ang aura nito pagtapak palang ng classroom.

Gayunpaman, maraming estudyante pa rin ang nahuhumaling rito sa kabila niyon. At aaminin nyang isa sya sa mga may paghanga rito dati. Pero dati pa yon. Biglang pumasok sa isip nya ang maamong mukha ng lalaking iyon kanina. Ipinilig nya ang kanyang ulo. Bakit ba bigla nyang naisip ang talipandas na lalaki na yon?

"Bakit makalat rito, Miss Villegas? Magagalit ang maintaining staff kapag nakita yan," sabay turo sa likuran nya.

"Kilala nyo pa po ako, sir? " manghang tanong nya rito. Sa dami ng naging estudyante nito himala kasing matandaan pa sya nito.

"Of course, Miss Villegas. Isa ka sa pinakamagagaling sa klase ko kaya natatandaan kita."

Natuwa sya sa narinig nya. " Nakakatuwa naman po, sir, kung ganon. " malapad ang ngiting sabi nya. " May nangyari nga lang po palang hindi inaasahan kanina. Mga gamit ko lang naman po ito kaya pupulutin-" natigil sya sa pagsasalita ng makitang nakakalat sa buong corridor ang reaction papers nya. " Ang project ko..." mangiyak-ngiyak na sabi nya habang mabilis na pinupulot isa-isa ang mga ito. Kung kanina ay may pag-asa pang maipasa nya iyon, ngayon ay siguradong wala na. Sobrang late na sya at hindi na sya makakahabol pa. Pero hindi, kung kinakailangang mag-makaawa at tumulay sya sa alambre sa harap ni Mrs. Facundo ay gagawin nya. Grade nya ang nakataya roon. Lalo na ang scholarship nya. Nang mapulot lahat iyon ay agad syang nagpaalam sa kausap.

"Sige po, Mr. Pascual, maiwan ko na po kayo. Sobrang late na po kasi ako, eh, " tsaka agad syang tumalikod at hindi na hinintay pang sumagot ito. Patakbong tinungo nya ang kanyang classroom na nasa dulo lamang ng hallway na iyon.

Pagbungad nya sa pintuan ay mangilan-ngilan na lamang ang mga kaklase nyang nandoon. Tapos na agad? Ang bilis naman yatang nag-dissmiss ng klase ngayon ng professor nya? Baka kinuha lang nito ang mga ipinasang projects ng mga classmates nya. At hindi sya umabot! Hindi nya nagawang ipasa ang project nya. Bababa ang grade nya. Mawawalan na sya ng scholarships. Hindi na sya makaka-graduate dahil hindi na sya makakapag-patuloy ng pag-aaral. Hindi na sya nakakakuha ng magandang trabaho kung ganon. Mawawala na rin ang pangarap nyang yumaman balang-araw. Dahil sa mga naisip nyan iyon ay biglang nag-init ang kanyang mga mata at nangilid ang kanyang mga luha. Tulalang tinungo nya ang kanyang upuan. Nandoon pa ang katabi at kaibigan nyang si Riccu. Nakita na rin sya nitong palapit.

"Oh, anong itsura yan? Para kang pinagtaksilan ng tadhana, ah, " tanong agad nito sa kanya pagkalapit nya. Pabagsak na ibinaba nya ang kanyang mga gamit sa kanyang mesa tsaka padabog na umupo. Napangiwi sya ng maramdaman ang sakit sa kanyang pang-upo. Nakalimutan nyang medyo masakit pa nga pala iyon.

"Pinagtaksilan na talaga ako ng tadhana, " sabi nya tsaka napayuko. Anumang oras kasi ay tutulo na ang luhang pilit nyang pinipigilan at ayaw nyang makita nito iyon. Papagalitan lang sya nito. At wala syang maikakatwiran rito ngayon sa estado nya ngayon.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo? First time mo kasing na-late eh. Hindi ako sanay. "

"Wala na akong grade, " sa halip ay sagot nya rito. " Mawawalan na rin ako ng scholarship. Hindi na ako makaka-graduate. Hindi na ako makakahanap ng magandang trabaho. Paano pa akong yayaman nyan kung wala akong magandang trabaho? Gusto ko pa namang pantayan ang kayaman mo. Ang kayaman ko bato na ngayon, at iyon ay dahil hindi ko lang naipasa ang lintik na papel na 'to! Kasalan ito ng lalaking yon. Ginawa nyang miserable ang buhay ko, " sintemyento nya.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon