CHAPTER SIXTEEN

72 1 0
                                    



MATAPOS ang isang oras lang yatang naging tulog ko ng nagdaang gabi, heto ako ngayon at parang zombie na naglalakad habang patungo sa Music and Arts building. Magdamag lang naman akong mulat dahil kahit kapiling ko na ang pinakamamahal kong higaan, ayaw pa rin akong tantanan ng mga nangyari ng araw na iyon. Paulit-ulit na lang kasing nagpa-flashback sa utak ko ang eksena nila Lucy at Kris sa gym, pati na rin ang nadiscover kong feelings kay Kris. Parang nananadya pa na kahit nakapikit na ako ay mukha pa rin nito ang nakikita ko. Kaya ang resulta, isang oras lang na tulog. Pilit pa.

Kaya naman daig ko pa ang naka-tsongke at nakahitit ng rugby sa itsura ko ngayon. Pag-gising ko ay napahiyaw na lang ako ng malakas ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Nangingitim kasi ang paligid ng mga mata ko at sabog-sabog pa ang buhok ko. Napasugod tuloy sila mama at Tommy sa kwarto ko dahil sa lakas ng sigaw ko.

Sabi nila kapag in-love ang isang babae, blooming. Bakit ako, naging kapatid yata ni ugly duckling? Bigo na nga ang puso ako, magiging bigo din ba pati itsura ko? Anong lupet mo naman Kupido. Tumingin ako sa wrist watch ko. Mag-e-8:30 na pala.

Ang bilin pa naman ni Adrian ng tumawag sakin kanina ay magkita raw kami ng saktong alas-otso sa Music and Arts building dahil ibibigay na nya sakin ang mga program. Nauna ng naipamigay ang mga invitations three weeks before the charity ball.

Late na ako ng 20 minutes, babanatan na naman ako no'n ng walang kamatayang time is gold na motto nito. Mahigpit pa naman ito pagdating sa oras. Kahit mabibigat ang mga paa at katawan ko ay pinilit kong bilisan ang paglalakad makarating lang agad sa patutunguhan ko. Saktong 8:30 ng nasa harapan na ako ng pintuan ng music room. Agad kong binuksan iyon at bumungad sa akin katahimikan. Luminga-linga muna ako sa labas bago pumasok. Wala akong makitang tao sa paligid... Pagpasok ko ay marahan kong isinara ang pinto. Tahimik ang buong music room.

"Bakit walang tao? Sabi ni Adrian dito daw kami magkita,ah..." bulong ko.

Ch-in-eck ko ang ibang room, baka sakaling may tao roon at hindi ko lang nadidinig dahil soundproof ang mga rooms para sa mga nagpa-practice ng singing. Pero wala ring tao.

Isang malaking kwarto ang music room ng Elite kung saan may lima pa ulit na rooms sa loob nito. Kompleto ang mga gamit roon at dadaigin pa ang isang recording studio. Hindi ko talaga maiwasang ma-amazed sa tuwing papasok ako roon. Allowed namang maglabas-pasok ang lahat ng members ng Music Club ng school.

Ang huling kwartong napasukan ko ay puno ng music instruments. Nang makita ko ang mga iyon ay parang nawala ang puyat at pananamlay ko. Isa-isa kong nilapitan lahat ng instruments doon. Pangarap kong matutong tumugtog sa piano. Pero sa ngayon, hanggang pangarap na lang muna ako dahil mahal mag-aral ng pag-pi-pyano. Marunong na akong tumugtog ng drums, dahil may kumpare sila mama na ang anak ay may sariling banda, at nagkataong naging classmate ko pa noong elementary. Nakiusap ako na turuan ako at pumayag naman. Thanks to him.

Natanaw ko ang ilang gitara na maayos ang pagkakadisplay sa isang gilid. Iyon ang unang music instrument na natutuhan kong tugtugin. Simula ng matuto akong mag-gitara, iyon na ang unang nasa wish list ko na gusto kong magkaroon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Balang-araw magkakaroon din ako ng sariling gitara. Hindi nga lang pwede pa sa ngayon dahil nag-aaral pa ako at iyon ang unang priority ko. Maka-graduate lang ako at makapag-trabaho, makakabili din ako no'n. Kahit taun-taon ay pa bumili ako.

Kinuha ko ang isang gitara at kinalabit ang strings nito. Nasa tono naman... Umupo ako sa isa sa mga upuan roon. Ilang sandali pa ay tinutugtog ko na ang isa sa mga paborito kong kanta. Tumikhim muna ako.

You are my only

You are the one

You're everything I wanted, baby

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon