CHAPTER TWENTY

76 1 0
                                    

HINDI ko alam kung gaano na kami katagal ni Kris sa ganoong ayos. Nakakapit pa rin kasi ako sa beywang nya habang nakatingin kami sa isa't isa. Nakatingala ako sa kanya dahil mas matangkad sya sakin.

Grabe ang kabog ng dibdib ko. Tapos kung makatingin pa 'tong si Kris , para akong kakainin ng buhay.

"B-Bakit ganyan ka m-makatingin?" nauutal sa tanong ko.

"Tinapakan mo 'yong sapatos ko."

Mabilis kong tiningnan ang paanan namin at nakatapak nga ang isang sandal ko sa sapatos nito. Agad ko iyong tinanggal at umurong ng isang hakbang. Inalis ko na rin ang pagkaka-kapit ko sa beywang nito dahil tinamaan na ako ng hiya. Baka mawili ako hehe...

Bigla na lang nagkagulo sa paligid.

"My God, ang gwapo ni Kris!" tili ng isang babae habang hinahampas ang kasama nito.

"Oo nga! 'Buti na lang pala umattend ako, nasilayan ko tuloy ang kagwapuhan nya!"

"Ano ba?! Kailangan ba talagang nakahampas pa sakin? Sapakin ko kayo eh!"

"Sino kaya 'yong girl na kasama nya?

"Tara girl, magpapicture tayo kasama si Kris!"

"Oo nga!"

Usapang ng mga nasa paligid namin. Nahibang na naman ang babae pagkakita kay Kris. Ang talas naman ng pang-amoy nila, nakita pa rin nila si Kris kahit nandito na kami sa sulok.

Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ni Kris sa isang braso ko at hinila paalis sa pwesto namin. Kahit nahihirapan ako sa suot kong high heels ay pinilit kong maglakad ng mabilis dahil makakaladkad ako ni Kris kapag nagmabagal ako. Hawak ko ang laylayan ng gown ko para hindi iyong sumabit at makapaglakad ako ng maayos.

Parang nangyari na samin dati ang scene na 'to, ah. Déjà vu lang.

"Block them." utos ni Kris sa mga nagkalat na men in black sa venue at matamang nagmamasid sa paligid. Mabilis namang nagsikilos ang mga ito at hinarangan ang mga babaeng nagtatangkang dumugin si Kris. Ilang sandali pa ay pumasok kami sa isa sa room roon.

May nadinig akong nagkakantahan ng mkapasok na kami. Dahil hila ako ni Kris ay hindi ko agad nakita kung sino pa ang mga nasa room na kinaroroonan namin. Napatigil ang mga ito ng makita siguro si Kris.

"Huh? Heto pala si Kris, oh."

"Buti naman nagbago ang isip mo at umattend ka."

"Huwag nyo ng tanungin yang si Kris, 'di rin sasagot yan."

Parang pamilyar sakin ang mga boses na nagsasalita kaya sumilip ako buhat sa likod ni Kris. Ang Exo! Sabi na nga ba sila 'yon, eh.

"Sino 'yang kasama mo?" tanong ni Kai na siyang unang nakakita sakin.

"Ang bilis mo. Nakakuha ka na agad ng date mo?" si CY.

Hindi nila ako nakilala? Kung ganon magaling nga talagang mag-make up si Lady A.

"Tiffah?" kunot-noong tanong sakin ni Suho na nakalapit na pala samin.

Hindi rin pala. Nakilala ako ni Suho eh.

"Hi!" masayang bati ko sa kanya at sa iba pa.

"Ikaw nga. Wow! You looked different." parang hindi makapaniwalang sabi nito habang nakatitig sa akin.

Ngumiti lang ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa mga tingin nya.

"Hindi mo na sya kailangang tingnan pa ng ganya dahil lang cute sya." biglang sabi ni Kris.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon