CHAPTER THIRTY SEVEN

84 1 3
                                    



TIFFAH'S P.O.V

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako pananakit sa gawing ulo ko. Tumama pala iyon sa bakal sa gilid ko ng mawala sa pagkakasandal ang ulo ko at mahulog. Medyo madilim sa kinaroroonan ko at isang bombilya lamang ang nagsisilbing liwanag roon. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakasalampak ako sa isang sulok at tanging isang mesang maliit at isang upuan lang ang gamit roon. Nakasuot pa rin ako ng gown.

Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman kong nakatali ang mga kamay ko sa likod ko. Bigla kong naalala ang nangyari kanina.

Si Lucy!

Nagulat ako ng makita kong si Lucy pala ang driver at kasama ko sa sasakyan kanina. At ang lalong ikinagulat ko ay ng bigla nitong takpan ng isang tela ang mukha ko at iyon ang huling rumehistro sa isip ko dahil nagdilim na ang paligid ko matapos iyon.

Tumayo ako pero nakadalawang hakbang pa lang ako ay hindi ko na maihakbang ang kanang paa ko dahil nakatali pala iyon sa haligi na kinasasandalan ko kanina. Hindi ko napansin na nakatali rin pala ang isang paa ko dahil tela ang pinantali iroon.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa."

Bigla akong napalingon ng may magsalita. Biglang lumabas sa kung saan si Lucy at naglakad sa nasisinagan ng ilaw. Naka-black leather suit ito na animo si Trinity sa movie na The Matrix.

"Lucy, ano'ng ibig sabihin nito? Bakit tayo nandito? Saka bakit ako nakatali? Alam ba ni Krid na nandito tayo?" sunud-sunod na tanong ko.

Nakatingin lang ito sa akin pero hindi ko maaninag ang expression ng mukha nito dahil medyo malayo ito sa akin at mahina pa ang ilaw. Naglakad ito at umupo.

"Okay. Sasagutin ko lahat ng tanong mo dahil mukhang naguguluhan ka pa. Hindi ko alam na medyo may pagkatanga rin pala ang girlfriend ni Kris. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang nagustuhan nya sa'yo."

Dahil sa sinabi nito ay nag-umpisa na akong kabahan. Bakit parang ibang Lucy ang kaharap ko ngayon?

"Tinatanong mo kung ano ang ibig sabihin nito?" umpisa nito. "Gusto lang kitang bigyan ng kaunting leksyon,Tiffah. Kaunti lang naman, 'yong tipong magtatanda ka na at lalayuan mo na si Kris. Bakit tayo nandito? Dahil dinukot kita at dinala dito sa abandonadong lugar na 'to. Bakit ka nakatali? Mas bagay kasi sayo ang nakatali, mas lalo kang nagiging kawawa sa paningin ko. At ganyan naman talaga ang mga set up kahit sa mga palabas, hindi ba? Nakatali ang mga biktima nila. At tinatanong mo kung may alam ba si Kris? Syempre wala. At hindi na nya kailangan pang malaman. Pero duda ako kung malalaman pa ba nyang nawawala ka dahil siguradong busy iyon sa mga babae doon sa party nila. Well, saka ko na sila poproblemahin. Ikaw muna ang uunahin ko tutal nandito na tayo."

Oh God! Ano bang mga sinasabi nitong si Lucy?!

Sobrang tindi na ng takot ang nararamdaman ko. Halos kumawala na rin ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng kaba ko.

"Lucy kung biro lang ito itigil ko na." sabi ko pa rin kay Lucy. "Hindi na 'to nakakatuwa. Bumalik na tayo sa party, baka hinahanap na nila tayo. Hindi ko to sasabihin kay Kris. Please Lucy..." pakiusap ko.

"Biro? Walang biro rito, Tiffah. At lalong hindi rin ako natutuwa lalo na sayo," naglakad ito palapit sakin sabay daklot sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit. "Alam mo bang gustong-gusto kong gawin sayo 'to unang kita ko pa lang sayo," lalo pang hinigpitan nito ang pagsabunot sa buhok na pakiramdam ko ay hihiwalay na sa anit ko. Napaiyak ako sa sakit. "Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naisip kong may tamang oras para doon. At ito nga iyon," sabay hila ulit sa buhok.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon