CHAPTER ONE

172 4 1
                                    

COLLEGE DAYS

"ATE, gumising ka na daw!"

"Uhmmm....." sagot lang ni Maze tsaka nagtalukbong ng kulot.

"Ate, male-late ka na daw sa school sabi ni Mama " sabi ulit ng kapatid nyang si Seth habang niyuyugyog ang balikat nya.

"Five minutes.... Bigyan nyo pa ko ng five minutes..." nakapikit na sabi nya tsaka tumalikod at bumalik ulit sa pagtulog.

"Mama! Five minutes pa daw po sabe ni ate!" sigaw ng kapatid nya habang palabas ng kanyang kwarto.

Napayapa na ulit ang tenga nya at itinuloy ang naistorbong pagtulog. Pinaka-ayaw nya talaga ang paggising ng maaga. Pakiramdam nya ay nakakaubos ng lakas ang humiwalay sa higaan at mga unan nya na ang misyon lamang ay bigyan sya ng kapayapaan sa pagtulog.

"Ate, kapag hindi ka pa daw bumangon dyan, 'di ka na daw aabot sa unang klase mo " heto na naman ang kapatid nya. Ang akala nya ay payapa na ulit syang makakatulog.

"Seth, kapag ikaw ang hindi tumigil dyan, hindi na kita tutulungan sa mga projects mo. At kapag naka-graduate ako, nakapagtrabaho at yumaman, wala kang makukuha sa aking mana " banta nya dito na nakapikit pa din.

"Pinapagising ka lang naman ka akin ni Mama eh."

"Babangon na nga, okay? Five minutes lang..."

" Ate, kapag hindi mo pa tinapos yang five minutes mo, yung pinagpuyatan mong project kagabi ipambabalot na lang ng tinapa sa palengke bukas ."

Nang marinig nya ng salitang " project " ay parang nag-teleport ang antok na antok na diwa nya.

Yun nga pala ang dahilan kaya hirap na hirap syang bumangon ngayon sa kanyang higaan. At kapag hindi pa sya bumangon ngayon ay siguradong naghuhumiyaw na sinko ang magiging grade nya at good-bye scholarship na sya.

" Bakit hindi mo agad sinabi? Kapag hindi mo naipasa yun, hindi kita isasama sa last will and testament ko " sabe nya tsaka dire-ditersong kinuha ang towel at pumasok sa banyo para maligo.

" Arrrgh! Bakit ba palagi nyo na lang akong kinakawawa? Sumusunod lang naman ako sa utos,ah! " naiinis na sabi nito tsaka nagmartsa na ulit palabas ng kanyang kwarto.

Matapos ang mala-world record na paliligo at pagbibihis ay kinuha na nya ang mga gamit at isinukbit na nya ang bag nya sa balikat at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto tsaka tinungo ang kusina. Inabutan nyang nakaupo na sa harap ng hapag-kainan ang kanyang ina at kapatid.

" Buti naman at natapos ka rin sa five minutes ritual mo " bungad ng kanyang ina.

" Ma, sa estudyanteng katulad ko, sagrado ang limang minutong dagdag sa pagtulog," sagot nya habang sumasandok ng sinangag at naglagay ng tatlong pirasong hotdog sa kanyang plato.

" Ano yun ate, bago mong pauso ?" pang-aasar sa kanya ni Seth.

" Oo. Gayahin mo kung gusto mo " pang-aasar nya rin dito.

" Anak, bawasan mo naman yang kinakain mo. Baka ilang araw lang eh, hindi na kasya sayo yang uniform mo ", saad ng kanyang ina habang nakatingin sa kanyang plato.

" Ma, hindi po dapat tinatanggihan ang grasya. Tsaka isa pa, marami po ang 'di nakakain sa buong mundo kaya maswerte tayo " sagot nya habang dinalawang subo lang ang hotdog.

" O sya, bilisan mo na lang at baka lalo ka pang ma-late sa klase mo."

" Ate, ang gusto lang namang sabihin ni mama eh, mataba ka na kaya mag-diet ka na daw " si Seth ulit tsaka ngumisi sa kanya.

Sinamaan nya ito ng tingin. Alam kasi nitong ayaw n ayaw nyang pinagsasabihan ng mataba. Mataba kasi sya dati at pinilit nya talagang bawasan ang katakawan sa pagkain simula ng mag-college sya. Nagbunga naman ang kanyang pinaghirapan dahil nabwasan naman ang kanyang timbang.

" Palito ka naman " balik pang-aasar nya dito.

"Mataba ka pa rin."

" Tama na yan " saway sa kanila ng kanyang ina. "Sige na Maze lumakad na ka. Mag-iingat ka.Titingin sa dinaraan ha? "

" Nahahawa na kayo dyan kay Seth, Mama. Mamaya ka sa akin palito " banta nya tsaka tumayo na at lumabas na ng bahay.

" Sure, ate taba..." habol pang-aasar pa nito. Sabay belat sakin.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

now playing:

I choose to love you by Hyo Rin 💖💖💖

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon