CHAPTER EIGHT

81 1 0
                                    






KASALUKUYANG naglalakad mag-isa si Maze sa pathway. Wala naman na syang gagawin kaya napag-pasyahan na lang nyang umuwi na.

"Ganito na lang ba ako parati, naglalakad sa kawalan, kapiling ang mga puno at kulisap. Hay, bakit ba kasi walang dumadaan ngayong coaster? Kapag hindi ko kailangan tsaka naman maraming pagala-gala, " naiiritang sabi nya habang palinga-linga sya sa paligid nya at nagbabakasakaling may mamataang coster roon na pwede nyang masakyan hanggang main gate ng school nila. Init na init na kasi sya, wala pa naman syang dalang payong ngayon.

Kalalagpas lang nya sa malawak na soccer field at patuloy lang sya sa paglalakad ng mapadaan sya sa isang maliit at medyo tagong basketball court. Nakalaan iyon para sa mga empleyado ng skwelahan at maintaining staff. Pero ng mga oras na iyon ay mga estudyante ang kasalukuyang naglalaro base sa mga suot nitong white long sleeve na itinupi hanggang siko at gray slacks. Ang mga coat naman ay mga nakasampay sa sandalan ng bench roon. Hindi naman nya talaga niya mapapansin kung may mga tao roon dahil tago ang bahaging iyon ng court, kaya lang ay maiingay ang mga ito at mukhang nagkakatuwaan.

"Foul No. 6! "

"What?! Palagi na lang akong foul. "

"Bakit ba marunong ka pa sa'kin? Ako ang referee dito. "

"Hindi ako papayag. Nadadaya kami. "

"Naku, ganyan naman ang mga Pilipino, eh, sinasabi kapag natatalo, nadaya.Kapag naman nanalo, nandaya. Kaya hindi umaasenso ang bansa nyo dahil puro bulok ang katwiran. Iparating nyo yan sa presidente nyo. "

"Wala akong pakialam sa presidente nyo, basta panalo na kami. Pa'no ba yan. Yung pustahan na'ten. "

"Hindi pa kayo panalo, foul lang ako. Tuloy ang laro.Nakataya ang beinte ko dito."

"Two freethrows for Suho. "

Suho....

Bigla syang napatigil sa paglalakad ng marinig ang pangalan na yon. Nandon si Suho, ibig sabihin kasama nito ang The Exo. Pilit nyang kinilala ang mga naglalaro buhat sa kinatatayuan nya at namataan nga nya si Suho na kasalukuyang naka-shoot ng isa. Nandoon din si BK na sinusutil si Suho para di mai-shoot ang second freethrow. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, may buti din naman palang dulot ang kamalasan ko minsan, hehe...

At mga pagkakataong ganon ang hindi nya kayang palampasin. Mahirap pa naman hagilapin ang banda nila dahil sa higpit ng schedule ng mga ito. Hindi naman nya kailangang umuwi kaagad. Mahalagang makausap nya ang mga ito ng maisama sa kanilang schedule para sa charity ball next month. Ang bandang The Exo ang isa sa mga highlight sa darating na event. Naghanap sya ng pwedeng daan at nakakita sya ng maliit na siwang sa may halamanan. Kailangan lang nyang yumuko ay gumapang para magkasya sya. Mabuti na lang at konti lang ang dala nyang gamit ngayon kaya hindi sya mahihirapan sa pagdadala non.

Habang pinipilit nyang sumuot sa siwang na iyon ay nararamdaman nya ang pagsabit nya sa mga baging na nakapulupot sa mga halaman. Malapit na syang makalabas ng maramdaman na may mga kumakagat sa kanang kamay nya. Pagtingin nya ay nakita nyang nakapatong ang isang kamay nya sa bahay ng mga langgam at kasalukuyang pinagpi-pistahan ang kawawa nyang kamay. Napasigaw sya sa sakit at dali-daling lumabas ng halamanan.

***

"Ahhhhhh! Langgam! Tulong! "

Putek! ang dami nila!

Naiiyak na sya sa sobrang sakit ng mga kagat nila. Bakit hindi nya nakita na may nagkakampo palang angkan ng mga langgam doon?

"What happened? " Pagtingala nya ay gwapong mukha ni Suho ang nabungaran ko. Syet! Ang gwapo talaga nya. Kasamang naglapitan ang mga kasama nito sa kanya. Napapaligiran ako ngayon ng mga naggu-gwapuhang nilalang. Hindi nya alam kung kanina titingin. Sana araw-araw ganito.

My Girl (War At First Sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon