FOUR
SASHA POV
I woke up lying in my sofa. Sobrang sakit nang ulo ko.
What happened last night?
Malamang nagpakalasing na naman ako.
But how did I get home?
Di ako masyado makapag isip dahil sa sakit nang ulo ko dala nang hang over.
Halos pagapang akong pumunta nang room ko at pabagsak na humiga sa kama.
Nagtalukbong ako nang unan at nag isip kung ano ano ba ang nangyari kagabi.
"Hey stop it! Lasing ka na eh."
"Eh bakit ba kasi nagdala ka pa ng beer." mataray kong sagot tapos uminom nang beer.
"Nagdala ako neto para mas maikwento mo yung nangyari at para marelax ka."
"I'm relax okay!" then I sip again in that tin can of beer.
Tinanggal ko ang unan sa mukha ko.
Holy tacos.
Did I really drink so hard in front of other people?
What was his name again?
Shiz, hindi ko marecall.
Lalong sumasakit ang ulo ko.
Tumayo ako sa kama at dumirecho sa cr.
Nag hilamos agad ako.
"And so kung hindi ako maka move on? Don't judge me dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko."
Napatingin ako sa salamin.
I really act stupid and pathetic in front of him.
Shit baka mamaya vinidiohan nya yung kagagahan ko tapos ipost nya sa internet.
"Really Sasha?" sabi ko sa reflection nang mukha ko.
Napailing ako.
Hindi na talaga ako magpapakalasing at kung sakali man, I won't talk to stranger.
Nagtimpla na ko nang black coffee para mahimasmasan at mag isip nang lahat nang nangyari last night.
Well, bukod sa katotohanan na ikinuwento ko ang lovelife ko sa kung sinong poncio pilato and acted so stupid. Kelangan kong isipin ang detalyadong conversation namin.
FLASHBACK
"So it's his death anniversary today?"he asked. I just nod and simply wipe my tears.
Yes,kinuwento ko sakanya yung nangyari. And it makes me feel so good.
Gumaan yung pakiramdam ko.
"One year na ang lumipas pero hanggang ngayon ang sakit sakit." pakiramdam ko may kakampi ako.
Pakiramdam ko nagsusumbong ako sa Papa ko.
"Wait! You mean one year ka nang ganito? Naglalasing at parang wala nang direksyon ang buhay?" he asked.
Tiningnan ko sya nang matalim.
"Oh eh anong problema dun?" sigaw ko sakanya.
"Sasha,you need to move forward. You need to set him free. Moved on." he said. Bakit ganun?
Ang sakit pakinggan yung mga sinasabi nya.
Ang hirap i-let go ang taong buong buhay mong minahal.
BINABASA MO ANG
My Greatest Downfall
RomanceRomance, drama, teen fiction. Cast of Character Dakota Johnson as Sasha Beringuer Henry Cavill as Kent Anthony Romualdez Davika Hoorne as Venice Dela Cruz Chris Evans as Rave Fuentebella