Twelve

65 3 0
                                    

VENICE


I was waiting for him at the Bistro. Maaga akong nang thirty minutes sa pinag usapan namin ni Kent. Bukod sa excited akong makita sya, gusto ko rin talagang ayusin yung issue naming dalawa.

Kahit maging mag kaibigan na lang muna ulit kami, papayag na ako basta wag lang sya mawala sa buhay ko. Kanina pa ko nag iisip nang mga gagamitin kong linya para wag maging komportable sya sakin.

Ayoko rin namang mag mukha akong cheap sa pag uusap namin at lalong ayokong mag mukha akong mauubusan ng lalaki. Talaga lang mahal na mahal ko sya at ayokong mawala sya sakin.

All my life simula ng makilala ko si Kent, naniwala ako sa fairytale kasi yun ang tingin ko sa love story naming dalawa.

Yung kagaya nya na prinsipe ay maiinlove sa katulad ko na mahirap lang. Tinanggap nya ako kung ano ako. Tapos ipasok pa sa eksena yung parents nya na walang ginawa kundi paghiwalayin kami dahil gold digger daw ako.

Nakakatawa lang kasi sa hirap ng pinag daanan ko mauuwi lang ang lahat sa wala. At yun ang hindi ko papayagang mangyari ngayon. I'm still hoping pa rin na there's something left between me and him.

I just need to explain everything to him. Simula kasi nung umalis ako hindi ko na sya nakausap. I tried to talk to him nung nasa ibang bansa ako but he refuse to answer my calls.

Tiniis ko yung ilang taong pag stay ko sa malayo para sa pamilya ko. Para sa mga pangarap ko. Para sa kinabukasan naming dalawa. Para maipakita ko sa pamilya nya na hindi pera ang habol ko kay Kent. At ayokong masayang yun sa wala. Kaya I'll give this one last shot, this one chance to make it up to him.

Sana....

Sana.....

Napatingin ako sa kabilang table, I know that guy, his the owner of the Bistro. The great Rave Fuentebella. May mga kasama sya today. Siguro family nya yun, wife or girlfriend I guess. Maganda sya at mukhang mabait. Nagkatinginan kaming dalawa and she smiled at me. Well, she is really friendly. I smiled back at her.

Ang swerte nya naman. Gwapo si Mr. Fuentebella at mayaman pero bakit parang hindi pa matunog sa high society na may girlfriend sya or nag asawa sya? Any way, wala naman talaga akong paki sa mga mayayaman na yan. Nagkataon lang na kailangan may alam din ako sa kanila dahil sila ang number one customer ko sa business namin.

Nag sirko ang puso ko nang makita sa screen ng phone ko ang pangalan ni Kent. My gosh, behave ka lang dyan my dear heart, tawag pa nga lang kinakabahan ka na paano pa pag kaharap ko na?

Nag breath in, breath out muna ako bago ko damputin ang cellphone ko.

"Ok! Venice, relax! Just act normal and everythings fine." para akong sira para kausapin ang sarili ko. Napailing na lang ako.

"Hello, Kent?" I answered.

"Hey!" he answered back at talagang kinilig ang puso ko sa ng marinig ang boses nya.

"Hi. W-What's up?" cool ka lang Venice. Kunwari on the way ka pa lang.

"Uhmmm, are you at the Bistro already?" tanong nya.

"Ha? Ah w-wala pa naman. Paalis pa lang ako sa bahay. I-Ikaw ba?" pag sisinungaling ko. Tumingin muna ako sa paligid kasi baka nandyan na sya.

"Great! I mean, I'm sorry. Maybe we can moved this dinner some other time. Some urgent came at the bar. And I need to rearranged something up there." he replied. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig yun. I'm so stupid. Siguro kung sinabi ko na nandito na ko sa restaurant pupuntahan agad nun dito. That's the good thing about him, kapag alam nyang may naghihintay sakanya pupuntahan nya agad kahit may importanteng lakad sya.

"Hello! Venice??? Still there?

"Ahhh!! Y-Yeah! G-Ganon ba? Okay lang. Next time na lang siguro. Buti na lang hindi pa ako nakaalis." sagot ko na may kasamang mahinang tawa kahit ang totoo gusto kong umiyak. Kasalanan ko din kasi ang aga kong dumating. Masyado akong nag assume na dadating sya. Na excite lang din talaga ako. Miss na miss ko na kasi sya. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko na may tumulong luha sa pisngi ko at bahagya akong napasinghot.

"Venice?? Are you crying? I'm sorry. I'm really am. I really wanna talk to you kaso may problem lang talaga sa bar---"

"Sinisipon lang ako. Tsaka kanina pa talaga masama yung pakiramdam ko. Gusto ko lang talaga mag usap tayo. Okay lang ako. J-Just take care okay?" sagot ko dito na pinipigilan ang mapaiyak. Ayokong dito mag iiyak.

"A-Are you sure?" tanong nya.

"Yes. I-I have to go. Bye." then I hung up. Agad akong tumayo para pumunta sa comfort room kasi tuloy tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko.

Dirediretso ako sa paglalakad kasi baka makita ako ng ibang kumakain dun na umiiyak. Pagpasok ko sa comfort room nakita ko yung kasama ni Mr. Fuentebella na may kausap sa cellphone at nakangiti. Mukhang hindi sya ang girlfriend ni Rave kasi mukhang inlove ang babaeng to sa kausap nya. Buti hindi nya ako napansin kasi busy sya dun sa kausap nya. Pumasok ako sa cubicle at doon umiyak ng tahimik.

Ang tanga tanga ko kasi. Bakit masyado akong affected? Hindi pa naman kami nagkakausap talaga? Bakit masyado akong assuming? O hindi ko lang talaga matanggap na hindi ako sinipot nang date ko. Date nga bang maituturing yung naudlot naming dinner? F*ck bakit ba ang drama ko? I really need to stop watching those koreanovela shows masyado akong affected sa nangyayari samin ni Kent eh. 

Kumuha agad ako ng tissue sa bag ko at nag punas ng mata at mukha. Nag flush ako kunwari para may effect. Pag alis ko dito kunwari walang nangyari. Strong ako at dapat paninidigan ko yun. Pag labas ko ng cubicle nakita ko si ate girl na nag li-lip gloss na. Napatingin sya sakin at ngumiti.

"Hi!" she said in a friendly manner. I just smile at her and talked to her in a friendly way...





ITUTULOY.......



AUTHORS NOTE:

Pasensya na po sa maikling update. Yan lang ang kinaya nang powers ko. Medyo pagod kahit day off ko naman. Nag ala wonder woman ako sa pag sama ko sa pamangkin ko sa birthday party eh kaya yun. Bawi ako next update. Ayokong i-hate nyo si Venice kaya gagawin ko muna syang friend ni Sasha.. Pero who knows?? diba?? Salamat po sa mga nagbabasa ng story kahit napaka tagal kong mag update. Sobrang busy lang po talaga sa work. Salamat po ulit.




My Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon