Fourteen

60 1 0
                                    

SASHA

Papasok na ko sa conference room nang mapansin ko ang pamilyar na lalaki na nakatayo sa mismong tapat nang pinto ng confi room.

"Hello Sash!" he greeted me. Nagbeso sya sakin. Kelan ba kami naging close neto para tawagin ako sa nickname ko. Ngumiti ako sakanya.

"Mr. Fuentebella, hello. What are you doing here?" nagtataka kong tanong. He chuckled.

"Why so formal? The last time I remember were on the first name basis na." tumawa ulit sya. Ngumiti ako ng bahagya. Bakit parang bigla syang naging mahangin.

"Well, as far as I know, number one stock holder namin ang company nyo. That's why I need to be polite." sagot ko dito. Mataman nya kong tinitigan.

"You're really different, Sasha. I really like you." nagulat ako sa sinabi nya. Seryosong seryoso kasi ang mukha nya.

"W-what??" di ko alam kung anong itsura ko pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong pinagsasasabi ng lalaking to.

"Gotcha!" nagulat ulit ako pagkasabi nya nun at bahagyang tumawa.

"Masyado ka kasing seryoso, Ms. Beringuer. Number one rule, you should be friendly especially sa mga top investors. And besides magkaibigan ang Romualdez and Fuentebella Families kaya, no worries kung maging magkaibigan din tayo. Besides, your part of their family now." di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi nya. Nayayabangan ako na naiinis sa lahat ng sinabi nya.

"Okay." maiksi kong sagot.

"Well, I'm here because, kasali ako sa meeting today." napatingin ako sakanya. Seriously,God??? Talaga po bang dapat syang nandito.

"I should hear them too kasi ayaw ni daddy na pumalpak ang merging ng company natin." natigilan ulit ako sa sinabi nya. What does he mean about that?

"What merging?" tanong ko dito. Tumingin sya sakin tapos huminga ng malalim.

"Hindi pa ba sinabi ni Tita Trina sayo? Romualdez and Fuentebella will merge. Ipapakasal nila tayong dalawa." nabigla ako sa narinig ko. What the hell is happening? Anong pinagsasasabi nitong si Rave? Bakit kami ipapakasal? Ang daming tanong sa utak ko. Gusto kong magmura. Gusto kong magwala.

Ganito ba yung pakiramdam nung mga napapanood natin sa mga movies? Yung parang pinagkaitan ng pangarap. Oo, gwapo si Rave at mayaman. Pero nakulangan naman ata sa etiquette. Puro kayabangan at papogi lang ata ang alam.

Ang di ko pa matanggap, si Mama Trina. Totoo bang ipinagkasundo nya kami ni Rave? Pumayag sya? Bakit di na lang si Abi tutal mas totoong Romualdez sya? Ang dami dami kong gustong itanong.

Pero pakshet lang bakit tumatawa tong Rave na to.

"Bakit mo ko pinagtatawanan?" bulyaw ko dito. Wala na kong pakielam kung mawala yung delekadesa ko ngayon.

"I'm sorry. I just can't help it. Grabe kasi yung reaksyon mo." grabe yung reaksyon ko? Natural. Sino bang matutuwa sa ganun?

"It is not funny. Kung sabagay wala lang naman kasi sainyo yun. Pero sakin it means everything. Besides walang sinabi si Mama sakin about dyan." asik ko dito. Natatawa pa din sya sakin. Tapos biglang tumigil at ngumiti.

My Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon