Eighteen

3 0 0
                                    

SASHA

Napag usapan namin ni Venice na sa Bistro na lang magkita. Kinakabahan ako actually. Reason's? I don't know. Siguro dahil sa idea na kilala ko si Kent at nag tapat sya sakin na gusto nya ko. I know, it didn't make sense at all. Bakit nga naman ako kakabahan? For what?

Siguro the idea of her na hindi pa sya makamove on kay Kent tapos inlove na si Kent sakin, parang ang hirap. Paano ko sasabihin kay Venice na itigil na nya ang pag asa kay Kent kasi may iba nang gusto si Kent. Or masasabi ko ba sakanya na ako yung girl na gusto ni Kent. Ang hirap. Kasi kaibigan ko na sya.

And besides, who am I para sabihin na itigil na nya ang pagmamahal kay Kent. Di ko naman boyfriend si Kent at isa pa, I'm not sure kung kaya ko na ulit magmahal. I like him pero feeling ko di pa talaga ko ready. Grabe gulong gulo ang utak ko. Why of all people, si Kent pa ang ex nya?

"You look like a mess." nagulat ako nang umupo sa harap ko ang nakangiting si Venice. Yung parang walang ka stress stress. Tapos ako grabe pag iisip ko. I smiled back.

"Yeah. Stress sa work." palusot ko. She smiled again.

"So? Did you order na ba?" tanong nya ulit at tumingin sa menu. Yung totoo? Okay lang ba talaga sya? She looks fine but I felt her tensed.

"Not yet. Baka kasi may gusto kang kainin." sagot ko sakanya na nakatitig. She looked at me.

"Baka matunaw ako." biro nya sakin nang makita nya ang pagtitig ko.

"Sorry." hiya kong sagot at ako naman ang tumingin sa menu. Napansin ko na di na sya gumalaw kaya tumingin ako sakanya. Nagtama ang mata namin.

"So? Friends kayo ni Kent?" umpisa nya sakin. I nod.

"A-Are we okay?" alangan kong tanong. She laughed.

"Of course. Bakit naman hindi? Unless, nililigawan ka nya?" tanong yun na may paghihinala. Ramdam ko. Ako naman ang tumawa.

"Of course not. Friends lang kami non no." bawi ko dito at tumingin ulit sa menu. So hindi ko talaga pwedeng sabihin ang pinagtapat sakin ni Kent. May tendecy na iwasan na din ako ni Venice.

"May sinabi ba si Kent tungkol sakin?" I looked at her again. She was pained.

"Wala naman. He just admitted na mag ex nga daw kayo." I answered. Tumango sya.

"I see." tipid nyang sagot. After that he called the waiter at nag order na kami.

"Sash, can I ask you a favor?" wika nya pagtalikod nang waiter.

"S-Sure. Basta kaya ko." atubili kong sagot.

"Can you help me to get Kent back to me? You know naman na ilag sya sakin. Siguro kung ikaw ang magiging tulay ko papunta sakanya makakapag reach out ako sakanya." walang kagatol gatol na request nya sakin. I was lost for words.

"So? Youre going to use me?" nakita ko ang pagkagulat nya si sinabi ko. Those words just slipped to my mouth. Kahit ako nagulat.

"I'm sorry Sash kung yon ang naging dating sayo. I was just really desperate to reach him out" she answered sadly. Napabuntong hininga ako. Napakahirap nang request nya sakin. Paano ko sya tutulungan kong ako na ang gusto ni Kent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon