NINE
VENICE POV
I drive home crying and sobbing.
I just can't help it.
The most person I truly loved was very mad at me.
I can't blame him pero sobrang sakit.
I never doubt my feelings for Kent simula nang umalis ako.
Sya nga ang reason kung bakit ko ginawa yun.
Kent's parents didn't approve our relationship.
They said that I'm not good for him kasi nga hindi naman kami mayaman like them.
My mother is a teacher and my father is just a driver.
Hindi ko kinakahiya ang trabaho nang parents ko kasi dahil sakanila kaya nakapag tapos ako nang pag aaral.
Naalala ko pa nga na nag sideline pa ko sa coffee shop nang prof ko para lang makatulong ako sa parents ko.
But they didn't know about that.
And then one time nung ako ang barista nun, dun ko nakilala si Kent.
I can still remember that day.
The first time I laid my eyes on him.
Is the first time that I fall for him.
FLASHBACK..
Ang daming tao ngayon sa coffee shop.
Four hours ang duty ko dito everyday.
Pang umaga ang schedule na kinuha ko sa uni.
Seven to three ang pasok ko sa school at five to eight p.m naman ang shift ko sa trabaho.
Hindi alam nang parents ko na working student ako.
Ayoko ipaalam dahil ayokong isipin nila na nagkukulang sila sakin.
Nag iisip na lang ako ng alibi kapag nagtatanong si Mama kung bakit gabi na ko nakakauwi.
I just wanted to help them.
Para kahit man lang sa allowance at pag gawa ng mga projects ko mabawasan ang gastos namin.
Ako ang barista for the next four hours.
Aligaga ako kasi ang dami nang tao sa shop ngayon.
Kagaya ngayon, I'm doing a four latte na order ng mga mayayamang estudyanteng kagaya ko na sa coffee shop ang tambayan.
Minsan talaga mapaghahambing mo ang estado at katayuan ng isang tao.
Maswerte ang mga to kasi ang pinambibili nila ng isang tasang kape dito ay galing sa bulsa nang mga magulang nila na mayayaman.
Samantalang ako? Hindi ko sasayangin ang 200 pesos ko para sa isang tasang kape lang.
Madami na ko mapag gagamitan nun.
Ayoko naman magpaka bitter sa reality.
Naniniwala kasi ako na pagdating nang panahon, magagawa ko na ang lahat ng gusto ko.
Makakapag kape din ako sa mga sosyal na coffee shop.
Maibibigay ko na ang lahat nang kailangan nila mama at papa.
At syempre hindi na sila kailangan pang magtrabaho para sakin.
Ang sarap isipin nang mangyayari yun in the near future.
BINABASA MO ANG
My Greatest Downfall
RomanceRomance, drama, teen fiction. Cast of Character Dakota Johnson as Sasha Beringuer Henry Cavill as Kent Anthony Romualdez Davika Hoorne as Venice Dela Cruz Chris Evans as Rave Fuentebella