SASHA
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang mag start ako as CEO sa company nila Thirdy.
Ilang araw na rin na nagpapalitan kami nang text messages ni Kent.
Ilang araw na rin na nagtatawagan kami ni Venice.
At ilang araw na rin na lagi akong nakakatanggap nang iba't-ibang klaseng bulaklak.
Hindi naman sinasabi nung nag dedeliver kung kanino galing.
Inaasar na rin ako ni Abi na may secret admirer daw ako sa office.
Wala naman kasi akong ibang idea kung sino yung nagpapadala sakin. At first nga kinukutuban ako na baka si Kent nagpapadala ng mga flowers eh, pero imposible dahil nung isang araw lang nya tinanong ang address ng office namin at pinuntahan nya lang ako para mag kape kaming dalawa. At bakit naman nya ako papadalan?
Although may isang taong pumasok ulit sa utak ko na posibleng magbigay nang mga to! Pero sobrang imposible din dahil simula nung huli naming pagkikita, never na ulit nagtagpo ang landas namin. At kagaya ng kay Kent, bakit naman nya ako bibigyan ng bulaklak?
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tumunog ang cellphone ko. It's Venice.
"Hello?" sagot ko dito.
"Morning." masayang bati nya sakin.
"Mukhang maganda gising mo ah." nakangiti kong bati sakanya. Nakakatuwa lang na naging magkaibigan agad kami ni Venice. Mabait sya at open na tao. Magkasundo kami sa mga bagay bagay. At aminado ako na pareho kami ng mga principle sa buhay specially sa love life.
"Lagi naman maganda gising ko. Although hindi pa rin nagpaparamdam yung mahal ko.", sagot nya sakin. Yun lang ang nakakalungkot. Hindi talaga sya maka get over sa ex nya. Kung sabagay I totally understand her. Paano mo makakalimutan yung taong naging dahilan ng pagsisikiap mo sa buhay.
"Naku, sis give him a little more time. Nagkausap na ba ulit kayo?" tanong ko dito.
"Yep. Pero hindi naman nagtatagal pag-uusap namin. Rather ayaw nya akong makausap ng matagal." nalungkot ako sa sinabi nya. Bakit kasi ayaw pang magsabi agad nung guy kung ayaw na nyang balikan si Venice para naman makapag move on na sya completely. Ayaw ko naman pangunahan si Venice kasi bago pa nga lang kaming magkaibigan, knowing her handa nyang ipaglaban yung pagmamahal nya sa ex nya.
"Anyway, guess what??" pag-iiba ko ng topic. Ayaw ko namang mawala yung ganda ng gising nya kaya minabuti kong ibahin ang usapan.
"What?" she asks.
"I recieved another bouquet of flower." balita ko dito habang inaamoy yung mga flowers.
"Wow, consistent si secret admirer ha." biro nya sakin. Bahagya naman akong napatawa.
"Para kang si Abi. Secret admirer naman kasi." ani ko. Umupo na ko sa table ko at nag tingin tingin nang mga reports sa table ko.
"Hello?? Of course. Ilang araw na rin yang mga bulaklak na yan. At hindi mo pa nga alam kung sino yung nagpapadala. Ikaw nga matanong ko, wala ka bang idea talaga kung sino yung possible na mabaliw sayo ng ganyan at araw araw kang pinipikilig?" tanong nya sakin na may halong kilig.
"Seriously speaking, wala talaga akong maisip kung sino." sagot ko dito at nag isip ulit ako kung sino yung pwedeng magbigay ng mga bulaklak na to.
BINABASA MO ANG
My Greatest Downfall
RomanceRomance, drama, teen fiction. Cast of Character Dakota Johnson as Sasha Beringuer Henry Cavill as Kent Anthony Romualdez Davika Hoorne as Venice Dela Cruz Chris Evans as Rave Fuentebella