Eleven

76 3 0
                                    

SASHA 

Dumating kami sa lugar kung saan kami mag di-dinner. Nakakatuwa lang kasi parang ngayon na lang ulit ako nakapasok sa ganitong klaseng lugar.

Nakakamiss din pala.

It's been a year na din simula nang itigil ko ang ikot nang mundo ko.

Pero eto na ko ngayon, ready nang mag move on.

Agad kaming nakahanap nang mauupuan. Dahil na rin siguro sa mga elites ang kumakain dito. At dahil na rin kay Rave. They own the Bistro.

Agad kaming naka upo sa VIP's place. Mas maganda yung ambiance dito. Halatang pang mayayaman lang ang section na to kesa sa ilang tables na nasa bukana.

Pumili kami ng table for four since kasama namin si Abi na mag didinner.

Pinaghila ni Rave si Mama Trina nang upuan at inalalayang umupo. Nakakatuwa na naman na napaka gentleman ng isang to. I was about to take my sit nang alalayan nya rin yung upuan ko at ang pag upo ko sa upuan.

"T-Thanks." atubili kong pasasalamat. That was fast.

"You should try our special dish for tonight. It's on the house." wika ni Rave. Agad tinawag yung waiter at umorder. Hindi ko naiintindihan yung mga pinag oorder nya na pagkaen kasi puro French delicacies yung foods dito.

"Do you want anything else, Sash?"tanong nya sakin. Okay!!! Kanina aaminin ko na naggwapuhan ako sakanya. Pero habang tumatagal parang nagiging presko sya. At tinawag pa ko sa nick name ko. As far as I know hindi pa kami close.

"Hija? Do you want something else?" ulit ni mama. Agad akong umiling.

"N-No Mama. Okay na po ako sa mga inorder ni Rave." sagot ko sabay ngiti ng pilit. Umayos ako ng upo at napatingin sa babaeng nasa katabi naming table. Ang ganda naman nya.

She looks so stunning in her black dress. But what in world could guy let their partner wait for them. Although nag hihintay yung girl makikita mo sa mukha nya na masaya sya. Bahagya akong napangiti. Siguro masaya sya sa partner nya. Nagulat ako nang mapatingin sya sakin at bahagya akong nginitian.

"Ahm, Mama, could you excuse me for a bit? I'll just use the wash room?" marahang tumango si Mama at tumayo rin si Rave. Okay?? Gentleman talaga sya eh pero ewan ko ba kung bakit bigla akong na bother sa mga actions nya.

Agad akong dumirecho sa wash room at nag ayos ng mukha. Buti naman at hindi ako na haggard sa office kanina. Nagulat ako nga mag ring yung phone ko.

It was Kent.

Naramdam ko yung pag taas ng heartbeat ko. Seriously Sasha? Napailing ako at huminga muna ng malalim bago sagutin yung tawag nya.

"Hello?", mahinahon kong sagot.

"At last you answered. Kinabahan ako sayo, hindi ka sumasagot sa calls ko. Baka kako nag iisip ka nang mag suicide dahil sa pagiging heartbroken mo." bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"Grabe ka naman. Mukha ba kong suicidal?" sagot ko dito. Napatingin ako sa salamin at nakita ko yung mga ngiti sa labi ko. It's funny. This smile was new for me. Since Thirdy's existence, dun ko lang to nakikita. I'm so weird this time. Why am I wearing this smile.

"Well, youre not suicidal naman. What's up? Busy ka ba kanina?" tanong nya.

"Yup. Nag start na ko sa office ng fiance ko." sagot ko dito.

"Fiance? may bagong fiance ka na agad? Akala ko ba mag momove on ka muna?" bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"I mean, Thirdy's company." natahimik sya sa kabilang line.

My Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon