Sixteen

18 1 0
                                    

KENT

Agad akong nagpunta sa comfort room. Di pa din ako komportable na kaharap si Venice. Bakit naman sa dinami dami ng pupuntahan nya na kaibigan, dito pa sa Company nila Sasha.

Talaga bang pinagtatagpo kaming dalawa para matapos na at matuldukan ang relasyon namin?

Siguro nga tadhana na ang gumawa ng way para magkausap kaming dalawa.

Naghugas ako ng kamay at tumingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at sinipat ang nararamdaman ko kay Venice.

Alam ko sa sarili ko na naka moved on na ko sakanya. Pero alam ko na di pa sya nakaka move on sakin. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman yun.

Ayoko mang masaktan ko sya pero kailangan. Gusto ko ng mag simula ulit. Actually gusto ko ng magtapat kay Sasha. Gusto ko na sanang magpaalam sakanya na liligawan ko na sya. Pero gusto ko pag ginawa ko yun, natuldukan ko na ang relasyon namin ni Venice.

I mean, alam ko naman na tapos na talaga kami pero si Venice, alam ko di pa tapos para sakanya. At isa pa, hindi ako sigurado kung ready na si Sash na mag entertain ng bagong manliligaw.

Napailing na lang ako. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Siguro mas maganda kung kausapin ko na si Venice habang wala pa si Sasha para makahinga na ko ng maluwag.

Agad akong nag ayos. Kakausapin ko na talaga si Venice.

Nagmadali na kong lumabas ng comfort room dahil baka biglang dumating si Sasha. Pero natigilan ako ng makita ko na nakaupo na si Sasha sa may table at may kausap. Nakatalikod sakin yung kausap ni Sasha. At hindi ako pwedeng magkamali kung sino ang kausap nya.

Dahil sya din ang kausap ko kanina.

Gusto kong tumalikod at bumalik sa CR pero di ko agad maihakbang ang mga paa ko. Bakit sila mag kausap ni Sasha? Paano sila nagkakilala? Sya ba ang pinuntahan ni Venice?

Parang nag slow-mo lahat sa paligid ko. Pati ang unti unting paglingon sakin Sasha at ang pagtawag nya sa pangalan ko. Pati ang paglingon ni Venice ng marinig ang pangalan ko.

"Kent???


VENICE

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang pangalan nya. What the hell is happening? How come they know each other? Napatayo ako. I saw how puzzled Kent face is. Dahan dahan din sya sa paglapit samin ni Sasha.

"You know each other?" tanong ko sakanila. Nakita ko din na parang nalito si Sasha.

"Yes. You know each other?" balik tanong ni Sasha sakin. Bahagya akong tumango.

"How come?" bulong ko although alam ko na narinig nila.

"Well, Kent here is my friend a few months ago. We met in a very weird situation." bahagya pa syang natawa. Lumapit sya kay Kent at hinila palapit samin. Tahimik lang si Kent.

"I see." maiksi kong tugon. I dont know this feeling, pero I feel a little insecure.

"How did you know each other? Small world isnt it?" nakangiti nyang sagot. I saw Kent flinched.

My Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon