FIVE
KENT POV
Dumating kami sa condo around 2:35 am.
Nagulat pa nga yung mga nasa front desk nang lumabas ako sa kotse na buhat si Sasha.
Akala nila kung anong nangyari sakanya.
I told them na lasing na lasing lang sya at hindi ko na magising.
I asked them kung anong floor at unit ni Sasha.
Nag aalangan pa nga silang ibigay kasi ngayon lang daw nila ako nakita.
Kahit na sinabi kong matagal na kong kaibigan ni Sasha they pursue na sila na mag aakyat kay Sasha sa unit nito.
Syempre ako naman ang hindi pumayag.
I won't let the securities carry her inside the unit.
In other words, napagkasunduan na lang namin na escortan ako nang securities pagdating namin sa unit.
Pag akyat namin dun, nilapag ko lang sya sa sofa and open the lamp shade beside it.
"Sir hindi nyo po ba sya ipapasok sa kwarto?" tanong nung isang security.
"Hindi na. Let's go. I'll lock it!" boluntaryo ko.
Hindi naman sa walang tiwala sa mga security guard sa condo.
Nag iingat lang ako kasi mag isa lang si Sasha sa condo nya.
Ayokong ma expose sa dalawang security guard na yun ang loob ng condo ni Sasha.
Pagbaba ko sa lobby nakangiti sakin yung mga front desk officer.
Hindi naman ako manhid. Alam kong nagpapa cute sila.
Ngumiti ako sakanila at lumapit sa front desk.
"I'll come back tomorrow. I'll just bring her breakfast."
"Sige po sir, see you tomorrow." sagot nung isang chinita at parang nagtutulakan pa sila nung morena.
Ngumiti na lang ako at umalis na.
Nagpatawag lang ako sa guard nang taxi at nagpaderecho sa bar.
~*~
"Tol bakit bigla kang nawala?" tanong ni Noel sakin.
Ngumiti ako at nagpakuha nang scotch.
"May hinatid lang." matipid kong sagot. Natawa si Noel at tinulak yung braso ko.
"C'mon Kent, wag ako! Ang tagal mo kayang nawala tapos sasabihin mo may hinatid ka lang. Tell me the truth, umiskor ka no?"
"Sira ulo. Anong umiskor? Igaya mo ko sayo!" depensa ko dito.
"Eh san ka nga galing?" kulit nito oh. Daig pa jowa kung magtanong eh.
"Ang kulit mo bro! May hinatid nga lang ako."
"Eh bakit ang saya mo? Naku mukhang nakalimutan mo na talaga si Venice ha!" natigilan ako.
Natigilan din sya at tumikhim.
"Kent kung hindi ka pa nakaka moved on kay Venice mas mabuti pa wag ka muna mag entertain nang iba." I sigh.
It's been three years nang iwan ako ni Venice.
At para sakin nakalimutan ko na sya.
BINABASA MO ANG
My Greatest Downfall
RomanceRomance, drama, teen fiction. Cast of Character Dakota Johnson as Sasha Beringuer Henry Cavill as Kent Anthony Romualdez Davika Hoorne as Venice Dela Cruz Chris Evans as Rave Fuentebella