Iloveyou

5.9K 25 4
                                    

''I love you, Sir''. Determinadong pahayag ni Aiza habang nakatutok ang mga mata sa kanyang Trigonometry professor.

''I don't expect you to understand me, or to love me back.'' patuloy niya habang hindi  inaalis ang mga mata dito.

''Just don't tell me I'm out of my mind, because I know I am not.''

Iyon lang at mabilis syang lumabas ng classroom nila. She heard enough to convince herself na parang bata pa rin ang turing ng lahat sa kanya.

She's already 17, at malapit na rin ang debut nya. That is two months from now. Nasa 2nd year college na sya at kumukuha ng Business Management.

Peru dahel nakasanayan na ng mga nasa paligid nya ang pagiging spoiled brat nya, everyone treated her like a kid. At isa na dun ang professor nya. Si Vincent.

Vincent is the new professor sa university kung saan sya nag aaral at isa sa mga co-owner ang daddy nya. Si Mr. Manuel Zulueta. Sa edad na 25, si Vincent ay single pa rin ngunit, nabalitaan nya nung nakaraang araw na ikakasal na daw ito sa fiancee' nitong isang modelo.

Halos gumuho ang mundo nya nang ibalita ito sa kanya ng kaibigan nyang si Thrace. Kaya wala na syang nagawa kundi ang ipagtapat dito ang kanyang nararamdaman. For her, its better to loose while fighting than doing nothing and regret someday.

Ngunit sa halip na bigyan sya ng atensyon ni Vincent, mukang hindi ito naniwala sa kanya. He almost laugh nung pinahayag nya ang damdamin nya dito. And that made her so insulted.

Sa klase ng buhay nya, lahat ng gusto nya ay nakukuha nya. Her dad makes sure of that. Nag iisang anak kase sya. At simula ng mamatay ang mommy nya, binigay lahat ng daddy nya ang mga luho nya.

With the help of her dad, nakuha nya ang gusto nyang schedule ng klase kahet bawal iyon sa school policy nila. And that's because of Vincent. Nasa engineering department dapat ito, pero nakuha nyang ilipat ito sa department nila.

I love you Sir!Where stories live. Discover now