''Okay class, that's all for this afternoon. You may go''.
''Thank you Sir. Bye'' sabay na paalam ng mga classmates ni Aiza kay Vincent. Ang Trigonometry professor nila. Pero nagpaiwan sya dahil sa kanyang sadya dito.
''Sir?'' Tawag nya dito. Tumingin naman ito sa kanya.
Dahil dun, nagkaroon ng time si Aiza na suriin ang pisikal na anyo ng taong kauna unahan nyang ipaglalaban sa buhay nya. At ito ang hindi nya nagawa kay Zander.
Si Zander na minsan ay naging bahagi ng buhay nya.
Nakatitig pa rin sa kanya ang maamo ngunit misteryosong mukhanito . Waring binabasa ang gusto nyang sabihin. Ang mga mata nito'y parang kinakausap sya kaya lalo syang kinakabahan sa plano nya. Mataas ito. Halos 6 feet kaya mejo nakataas ang kanyang mukha upang salubungin ang titig nito.
Dumako ang kanyang mga mata sa labi nito. Batid nyang wala itong bisyo, lalo na ang paninigarilyo. Kaya hindi nya ito masisisi na taglay nito ang labi na matagal na nyang gustong hagkan. Mapupula iyon at dagdagan pa ng deep set nitong mga mata... sexy...
Natigil ang pagpupuri nya dito ng tinawag nito ang pangalan nya.
''Aiza? May kelangan kaba?''
"Patay! Naku! Focus Aiz! F-o-c-u-s!" Dahel sa pagpapantasya nya dito, nakalimutan na nya ang totoong pakay nya.
She inhaled deeply. Took her time at derechong sinalubong ang mga mata nito.
''I love you. Sir.'' derecho nyang pahayag. Halata naman ang pagkabigla sa mukha ng kanyang professor. "Naku lagot! Nabigla ata si Sir!
Namayani ang katahimikan sa loob ng classroom nila. She crossed her fingers, wishing that he feels the same way too. "Please Lord, magpapakabait na talaga ako. Ibigay nyo lang po sya saken.. Please! Please!" piping dasal nya habang nakayuko. Hindi na nya kaya pang salubungin ang mga titig nito.
"Get hold of yourself Aiza" Giit nya sa sarili. She anticipated all the things that might change dahel sa ginawa nyang pag amin dito. At alam nyang maraming magbabago. Pero hindi sya papayag na basta na lang isuko ang pag-ibig na matagal na nyang inalagaan para dito.
"Magsalita ka naman Sir.."
Mukang narinig nito ang hiling nya at hindi nagtagal, nagsalita ito.
''Do you know what really love is, Aiza?'' tanong nito sa kanya. All of a sudden, na blangko sya. Nag isip.
"Ano nga ba ang pagmamahal?" she quietly ask herself. Nagpatuloy naman ito.
''You can't even answer me directly Aiz. Shall I say, you're too young for that."
"Alam ko na may kakaiba sayo lalo na pag tumitingin ka saken. Guys are not that insensitive as you think. I know that one of these days ay sasabihin mo sa akin ito. Peru hindi ko inaasahan that it would be this early. ''
Napataas sya ng tingin dito."Alam na nya?! Oh My!"
''Ambata mo pa para jan Aiz, at hindi mo alam ang sinasabe mo.''
''Pero...'' sinubukan nyang sumagot. Why is it all people around her treated her as a kid. Isang bata na walang kaalam alam sa mundo. For her, she is inlove with VIncent and nothing more.
''I'll just pretend na hindi ito nangyari. Umuwi kana at baka hinahanap kana ni Mr. Zulueta'' tumalikod na ito sa kanya at inayos ang laptop na ginamit nito sa paglecture.
Pero napahinto ito sa ginawa nya. Nilapitan nya kase ito at biglang niyakap sa likuran.
''Aiza?'' he tried to free from her hug.
STAI LEGGENDO
I love you Sir!
Storie d'amore''I love you, Sir''. Determinadong pahayag ni Aiza habang nakatutok ang mga mata sa kanyang Trigonometry professor. ''I don't expect you to understand me, or to love me back. Just don't tell me I'm out of my mind because I know I am not.'' Iyon lang...