Moving on

1.4K 17 2
                                    

''Calling the passengers of flight 5J 0201, please proceed to the Deaparture Area now''

''This is it Aiz, sana hindi mo to pagsisihan'' mahigpit na yumakap si Thrace sa  kanya  at ganun din ang daddy nya.

''Mag iingat ka dun anak. Your tita Salome will take care of you there. Mag aral kang mabuti dun at wag mong sasayangin ang opportunity na to''

Opportuniy? Baka para sayo Dad! piping sigaw ng isip ni Aiza

'' Yes Dad'' walang gana nyang sagot

Nagkatinginan sila ni Thrace. Batid nyang alam nito ang nararamdaman nyang tampo at inis sa daddy nya.  

Kahet binibigay nito lahat ng pangangailangan nya, she hated him for being the reason kung bakit namatay ang mommy nya. Her mother died dahel sa heart attack nung malaman nitong may ibang babae ang daddy nya.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, pinilit na sya nitong pag aralin sa Amerika para magawa nito ang bisyo nitong pambabae. Her Dad is a total womanizer and she hated it so much.

''Sige na po, mauuna na ako. Baka maiwanan pa ako ng flight ko''

''Sige anak, ingat ka dun''

''Bye Aiz, bumalik ka agad auh. Tsaka sana makalimutan mo na lahat pagbalik mo'' 

Halatang nalulungkot ito sa pag alis nya, hindi katulad ng daddy nya na kulang na lang ay  ito na mismo ang maghatid sa kanya sa Amerika. Humalik ito sa pisngi nya at niyakap sya ng mahigpit sa huling pagkakataon.

''I will, Thrace. I will'' derecho nyang sagot dito, pero hindi nya alam kung ang kaibigan ba nya ang kinukumbinsi nya o ang sarili nya. Kahet sya ay hindi sigurado kung magagwa ba nyang kalimutan ang kabiguan sa taong pinakamamahal nya at una yang pinaglaban.

I love you Sir!Where stories live. Discover now