Be Still my Heart

1.2K 12 0
                                    

" You're a graduate of Ohio University. Marami ka ring exposure sa field ayon dito sa resume' mo, bakit nag aapply kang secretary Ms. _____'' tiningnan nito ang application letter nya '' Ms. Zulueta''.

" Ahm kase po sir napag alaman ko sa kaibigan ko na naghahanap daw kayo ng bagong secretary. I am an able one sir. Mabilis po akong matuto tsaka flexible po ang time ko '' kinakabahang paliwanag ni Aiza.

Bumalik ulet sya sa VR Resort upang subukan ang trabahong sinabe ni Thrace sa kanya. Sa sitwasyon nya ngayon, kahet anong trabaho ay papatulan na nya. She need a work badly to sustain herself. At kahet hindi sya sanay sa ganoong trabaho, ay kelangan nya itong pagtyagaan.

" Yeah I know Miss__________'' sinilip ulet nito ang papeles nya. Naku! ganon na ba kadali kalimutan ang pangalan ko! ''_____ Zulueta, pero I don't know bakit magtatayaga ka sa ganitong trabaho given the fact na sa Amerika kapa nag aral''

"Sige na po Sir, tanggapin nyo na ako. Masipag po akong magtrabaho sir'' pagmamakaawa nya dito. Damn! Bakit ba ako nagmamakaawa sa lalaking ito? Muka namang Assistant lang ito eh. Wala sa itsura ang pagiging boss!

''Because you badly need a job! sya na rin mismo ang sumagot sa sarili nya.

Sinuri ulet ng lalaki ang papeles nya kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na pagpintasan ito.

Malaking lalaki ito, kung ang pagbabasehan ay ang height nya. She's about 5'4 ft. pero hindi man lang sya umabot sa balikat nito. Bukod pa dun, malaki din ang pangangatawan nito. Napadako ang mata nya sa mukha nito. Pabilog iyon at ang singkit nitong mata ang nagbibigay ng mysterious look dito. Sungit!

Matangos din ang ilong nito kesa sa karaniwang Pilipino. May lahi kayang alien to? hahaha! baka Intsik Maganda ang build ng muscles base na rin sa hulma nito sa fitting ng polo at trousers ng lalaki. Pero kung titingnan ito, wala sa postura at galaw nito ang pagiging boss. Masungit ang aura nito at parang andaling ma hyblood! which is a no-no pagdating sa mga negosyo. Pero hindi paipagkakaila na sexy ito.  Pero mas magiging gwapong lalaki ka pag tinanggap mo ako! napangiti sya sa mga iniisip nya.

Naaliw sya sa pag suri sa bawat galaw at gesture nito kaya nagulat pa sya ng tinawag nito ang pangalan nya.

"Miss Zulueta?''

"Ah.. Ho? ano po yun sir?'' Naku! daydreaming kana naman kase! She has this attitude of having a daydream always. At dahil dito lagi syang napapahamak. Tulad nalang ngayon. Ano nalang kaya ang iisip ng lalaking ito.

" Kanina pa kita tinatawag, but anyway tatawagan ka nalang namen for the confirmation. Wala pa kase dito ang boss namen eh '' Sabe ko na nga eh, wala talaga sa itsura nito na ito ang boss! hahaha

I love you Sir!Where stories live. Discover now