''All my life, bata yung turing saken ng ibang tao'' simula nya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Vincent.
''Because you act like one Aiz''
''No! its because you don't want me to grow!''
''Sa tingin mo, sa ginagawa mo ngayon, hindi kaba nagiging isip bata?'' pinilit nitong buwagin ang pagkakayakap nya pero buong lakas nya itong hinigpitan.
''I love you, Vincent. Yun ang alam ko at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba''
''You're being childish again Aiza.. Hindi mo ba naiisip ang sasabihin ng mga nakakakilala sayo. Anak ka ng isa sa mga may ari ng paaralan na ito at baka nakakalimutan mo na guro mo ako..'' may bahid ng pagka uyam ang tinig nito.
At dun parang natauhan si Aiza. She slowly free him.
''I love you, Sir. I don't expect you to understand or love me back. Just don't tell me I'm out of my mind, because I know I am not''.
Iyon lang at lumabas na sya ng classroom nila.
Masamang masama ang loob nya dahil sa kinalabasan ng pagtatapat niya. Kumawala ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan habang kausap si Vincent. All this time ay nabulag sya sa pag asang matatanggap sya ni Vincent at maniniwala ito sa kanya.
Vincent has been the reason why naka move on sya sa pagkawala ni Zander sa buhay nya. Pero mukang panibagong kabiguan na naman ang haharapin nya dahel dito. Kainis naman!!!
At kung kanina ay puno sya ng lakas ng loob na magtapat dito, ngayon ay parang nanlulumo syang umiiyak sa napala nya.
Stupid! Ansama mo Sir! Pareho pareho kayong lahat na mga lalaki! Hindi na sya tumigil sa kakaiyak hanggang makauwi sya sa kanila. Umakyat agad sya sa kwarto nya upang wag nang mapuna ng daddy nya na namamaga na ang mga mata nya.
YOU ARE READING
I love you Sir!
Romance''I love you, Sir''. Determinadong pahayag ni Aiza habang nakatutok ang mga mata sa kanyang Trigonometry professor. ''I don't expect you to understand me, or to love me back. Just don't tell me I'm out of my mind because I know I am not.'' Iyon lang...