Downfall 2

435 19 2
                                    

Downfall 2

Family



"Dalian niyo pumasok ng van!" hiyaw ni Franz na halatang kabadong-kabado. Nagmura pa siya nang hindi siya mapakali.

Humalakhak ako nang nakaupo na ako ng maayos sa puwesto ko.

Nawala ang planong magpatuloy sa sentro. Ani Franz ay may nakita siyang hindi kaaya-aya sa paligid. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pagiging sira-ulo niya o ano. Pero sa ekspresyon niya ay mukhang may kung ano siyang naramdaman. Ang mapuputla niyang labi at malalaki niyang mata ang makapagpapatunay ng bagay na iyon.

Narinig ko ang malutong na mura ni Tristan kay Franz. "'Wag kang magsasabi ng ganoon! Kita mong tayo-tayo na nga lang andito." iritadong sabi ni Trista at nagbato ng tissue.

"Guys please," pigil ni ate Karylle. "'Wag ng pag-usapan pa. Let us go home. Ready yourself and your explanations." Tumawa siya. Ni hindi kami nagpaalam na aalis kami at ngayon muntik pa kaming mapahamak.

Walang natutulog sa byahe. Lahat ay may sari-sariling mundo at ayaw na umidlip man lang. Panigurado ay nasa isip pa rin ng bawat isa ang mga sinabi ni Franz. Isang lalaking nakaitim at maliwanag ang aura. Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako.

"Mom texted!" Naghihisteryang imporma ni Suzette na nasa pangalawang halera ng upuan.

"Ano sabi?" usisa ni Tristan at nakidungaw sa cellphone ni Suzette.

Sinapak ni Tristine dahil sa ginawa ni Tristan na pagdungaw. "Privacy kasi!" iritadong sabi nito at hinatak ang beatz ng kanyang kapatid.

"Akin na nga iyan!" sigaw ni Tristan at nakipag-agawan sa kay Tristine. Napangiwi ako. Dalawa na nga lang silang magkapatid ngunit nagagawa pa nilang mag-away.

"Anong sabi, Zette?" Nakita ko ang pagtingin ni Kuya Camron sa rear view mirror.

"Ha?" Natatawang saad ni Zette na nagpasalubong ng kilay ko. Kanino na naman ito kinikilig? "Kung pauwi na raw tayo."

"Sabihin mo hindi pa." ani Franz at saka humagalpak na nasa shotgun seat.

"Ikaw kaya magsabi?" Mataray na tugon ni Suzette sa kay Franz na ikinatawa ni ate Karylle sa aking tabi.

Malalim na ang gabi nang makarating kami sa bahay. Pakiramdam ko ay susunugin kami nila Mommy at Daddy sa loob dahil sa ginawa namin. Kung hindi lang talaga ako inuto ng mga pinsan ko ay hindi ako sasama dito. Kung papagalitan man kani ay sasabihin kong si Franz ang may pakana.

Naabutan namin ang mga katulong na naglilinis ng bahay nang makapasok kami sa loob ng bahay. Bakit naglilinis nang ganitong oras?

"Sir! Ma'am! Saan ho kayo galing?" mabilis na tanong ni Ate Ikay sa aming dalawa ni Kuya Camron. Lumapit siya sa amin at may dala pang feather duster. Ang ilang bag na dala namin ni Kuya ay kinuha ng ibang katulong upang ilagay sa aming kwarto.

"Where's mom and dad?" masungit na sambit ni Kuya Camron, walang balak na saguting ang tanong ni ate Ikay.

"Wala pa po si Sir Antoine," sagot ni ate Ikay. "Si Ma'am Maxine po ay nasa taas na. Saan po kayo galing, Sir?" muling tanong ni ate Ikay.

"Nakauwi na pala kayo." boses ni Mommy ang narinig ko mula sa likod ni ate Ikay. Nakauniporme pa siya ng kanyang pantrabaho sa hospital bilang isang doktor.

Agad kong nilagpasan ang katulong namin na kausap para salubungin si Mommy ng yakap. "Mom!" Ngumisi ako na parang walang nangyari.

Hinarang niya ang kanyang palad bago ako tuluyang makalapit sa kanya. Nagulat ako kaya naman napaawang ang aking bibig. "Maligo ka muna bago ka lumapit sa akin." Humalakhak siya.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon